CHAPTER 7

1.3K 69 1
                                    

KAGAGALING lang ni Nez sa trabaho nang madatnan niya si Rowan na nakaupo sa sofa. His legs were crossed and he was reading something. Hindi na siya nagulat na madatnan si Rowan sa bahay dahil lagi itong nauunang umuuwi kaysa sa kaniya.

Rowan smiled. "Have a seat. May gusto akong ibigay sa 'yo."

"Is it important?" Pagod na tanong ni Nez. "Pwede bang bukas na lang? Gusto ko na kasing magpahinga."

Nakikita ni Rowan na pagod talaga si Nez kaya naman hinayaan na niya ang asawa. Natigilan si Rowan? Asawa? He inwardly smiled. "Hindi naman masyadong importante. Sige, bukas na lang."

Tumango si Nez saka nilagpasan si Rowan at umakyat ng hagdan.

Sinundan naman ni Rowan ng tingin si Nez. Napabuntong hininga siya saka tinignan ang kahita kung nasaan ang singsing na ibibigay niya sana rito.

'Man, you were like you're roasted.' Ani Tyler.

"Don't start, Tyler. I'm not in the mood." Matamlay na saad ni Rowan. He was expecting Nez but she's tired. He sighed. "Oh well, mas maganda ngang magpahinga na siya kung pagod siya."

Rowan slumped on his sofa. Wala na siyang ganang kumain. At his situation, kailangan niya ng mahabang pasensiya sa mate niya kung gusto niyang mahulog ang loob nito sa kaniya. Kailangan niyang mag-effort at kasali na doon ang mahabang pasensiya na dapat ay mayroon siya.

Kapagkuwan may biglang kumatok sa pinto kasabay nito na naramdaman ni Rowan ang malakas na presensiya. Sigurado siyang hindi galing kay Prince Dimitri ang presensiyang nasa labas ng pinto dahil mas malakas ang presensiya ni Prince Dimitri. Madalas lang kasi na tinatago ni Prince Dimitri ang presensiya nito dahil hindi naman daw kailangan na ipaglandakan nito ang presensiya nito.

Kumunot ang nuo ni Rowan nang mawala ang nararamdaman niyang presensiya sa labas ng bahay pero patuloy na may kumakatok.

Napailing na lang siya. Magkambal nga silang dalawa.

Napipilitang tumayo si Rowan at tinungo ang pinto. Binuksan niya ang pinto. "Your highness." He greeted Prince Demetrus who were outside the house. "What are you doing here?" Tanong niya.

"Can I come in first?" Prince Demetrus asked.

Niluwagan ni Rowan ang pagkakabukas ng pinto. "Come on in, Your highness."

Ngumiti si Prince Demetrus saka pumasok sa loob ng bahay.

Isinara naman ni Rowan ang pinto pagkapasok ni Prince Demetrus.

"Don't be offended, your highness, but why are you here?" Tanong ni Rowan. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit nandito ang kakambal ng Crown Prince.

"Can I sit before I answer your question, Alpha?"

Umikot ang mata ni Rowan. "Okay."

Ngumiti si Prince Demetrus. "Thank you."

"What do you want, your highness? Water? Juice? Wine? No wine."

Prince Demetrus gestured his hand. "Huwag ka ng mag-abala. Nandito lang ako para ipaalam ang gustong iparating ng kakambal ko."

"His highness? Bumalik na ba siya sa Bright Moon Pack?"

Tumango si Prince Demetrus. "Dimitri said that you need to train more your pack warriors. The Moonlight Pack almost lost half of their pack warriors because of the hunters and rogues."

Nagulat si Alpha Rowan. "Ang dami naman yatang namatay sa kanila. How's Alpha Zale?"

Prince Demetrus sighed. "He's fine. But he almost lost half of his pack warriors if Dimitri hasn't arrived on time to save them. This is serious matter so I hope you will obey Dimitri."

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now