CHAPTER 10

1.2K 69 2
                                    

WHEN Nez woke up the next morning, she was surprised to see Rowan's face. Ang lapit kasi ng mukha ni Rowan sa mukha niya. At nakapatong ang kamay nito sa beywang niya. Rowan breathe was fanning to her face.

Napatitig si Nez sa mukha ni Rowan. Hindi maikakaila na gwapo ito at talagang maganda rin ang katawan. She already seen him topless. Hindi niya lang masyadong pinagtuunan ng atensiyon ang katawan nito dahil nakuha ng atensiyon niya ang nahihirapan nitong hitsura.

Hindi namalayan ni Nez na nakangiti na pala siya habang nakatitig sa mukha ni Rowan. But then she suddenly realized that she was in Rowan's room.

Natampal niya ang sariling nuo nang maalala niya kung bakit siya nandito sa kwarto ni Rowan. Hoy, Nez! Ikaw ang nagsabi ng 'No touching policy' pero ikaw ang unang lumabag. She scolded herself.

Hinawakan ni Nez ang kamay ni Rowan at maingat itong tinanggal sa beywang niya.

Unbeknownst to Nez, Rowan was already awake and pretending sleeping.

Rowan smiled inwardly and hugged Nez. Gustong-gusto niya kasing amuyin ang amoy nito. She smells like vanilla. It's sweet and very alluring scent but at the same time it calms him. It made him also feel comfortable.

Inhaling his mate's scent made him not want to let her go. Humigpit ang yakap niya rito at napangiti nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ni Nez.

While Nez wanted to get away from Rowan before he's wake up but he is hugging her tightly. Nakakahiya kaya kapag nagising ito na magkatabi sila sa kama. Pero hindi naman ako ang nakayakap, ah. Siya naman. I'm not doing anything.

Nez took a deep breath. Sinubukan niyang muling tanggalin ang kamay ni Rowan pero hindi niya matanggal dahil humihigpit ang yakap nito sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya. Nahihiya naman siyang gisingin si Rowan kaya hinayaan na lang niya ito. Pero sa totoo lang, komportable siya sa bisig nito at ang sarap sa pakiramdam.

Ipinikit niya ang mata at hindi niya namalayang nakatulog na naman siya. Nagising na lang siya na wala siyang katabi sa kama at may sikat na ng araw ang tumatama sa mukha niya.

Araw?

Napabalikwas ng bangon si Nez at mabilis na tumingin sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw. Wala siyang pasok sa school dahil weekends pero sanay na siyang laging maagang gumigising.

Wala na si Rowan sa kama kaya malamang nasa kusina ito at nagluluto. Hindi na bago 'yon dahil si Rowan talaga ang cook sa bahay. Hindi naman siya ganun kagaling na magluto so hindi siya nagluluto dahil baka pagtawanan lang ni Rowan ang luto niya.

Inayos na lang niya ang kama ni Rowan saka lumabas. Pumasok siya sa sarili niyang kwarto. Nagmumog siya at naghilamos. Tinatamad pa siyang maligo kaya naman pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang sarili, lumabas siya ng kwarto at bumaba sa kusina.

At hindi nga siya nagkamali dahil nasa kusina si Rowan at mukhang tapos na itong magluto dahil naghahanda na ito sa lamesa.

"Good morning," Rowan greeted her while his back was facing him.

Hindi pa siya nakakapasok sa kusina pero parang alam na ni Rowan na nandoon na siya. Kumunot ang nuo niya. Sigurado siyang hindi maingay ang yapak niya o sadyang malakas lang ang pakiramdam ni Rowan.

Nagkibit ng balikat si Nez at ipinagsawalang-bahala na lang 'yon. Tuluyan na siyang pumasok sa kusina. "Good morning too, Ro."

Rowan's name was two syllables and she was lazy to pronounce it so she makes it shorter.

Mabilis na napatigil si Rowan sa ginagawa at napapihit paharap kay Nez. "What did you call me?" Gulat niyang tanong sa asawa.

Ngumiti si Nez. "Ro. Tinatamad akong bigkasin ang pangalan mo kaya pinaliit ko."

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now