CHAPTER 1: WEIRD

27.8K 679 221
                                    

Clio's POV

I entered the classroom. Natahimik ang lahat. Ang mga nagkukumpulan ay nagsi-ayos ng upo. They all look at me with curiosity on their faces. Nilapag ko ang bag ko sa table.

"Good morning." I greeted them with my authoritative voice.

Sabay-sabay silang tumayo para bumati pabalik. "Good morning, ma'am!" Napangisi ako.

"Take your seat." I said and started walking on the aisle. Naririnig ko ang bulung-bulungan nila.

"Ang bata ni ma'am."

"Parang college student lang, 'no?"

"She's pretty and handsome at the same time."

Napangisi ako sa loob loob ko. Pati sa mga 'to ay tumatalab ang charms ko? I can't believe it. Gusto kong humalakhak.

"Silence." Wika ko sa malamig na tono. Natahimik silang lahat. Bumalik ako sa harapan. Kinuha ko ang white board marker at nagsulat sa white board.

Anna Marie Joy Bolocboloc ang sinulat ko sa pisara. Nakarinig ako ng tawanan at hagikgikan kaya bumaling ako sa mga students na blangko ang ekspresyon.

"May nakakatawa?" Tanong ko kaya nagsitahimik ang lahat. "Kung sinong gustong tumawa maghapon, pumunta rito sa harapan." Pagmamalupit ko pa. Tahimik na talaga sila.

Humarap ako sa kanila pagkatapos isulat ang buong pangalan.

"Anna Marie Joy Bolocboloc is my name." Ginuhitan ko ang ilalim ng sinulat kong pangalan. "Call me Miss Bolocboloc." I tried my best to show a serious face. Halata ko ring nagpipigil ng tawa ang mga estudyante.

"Ma'am, pwedeng Miss Boloc na lang?" Tanong ng isang lalaki. Kung kanina ay nakakapagpigil pa sila ng tawa, ngayon hindi na. They burst out laughing. Napuno ng tawanan ang silid.

"Get one whole sheet of paper." I said sternly. Humalukipkip pa ako.

Samut-saring negative comments ang narinig ko pero wala silang nagawa.

"Answer this." Nagsulat ulit ako sa white board. Where do you see yourself in 10 years? "500 words." Napuno ulit ng reklamo ang buong klase. "Lahat ng nagrereklamo, lumabas."

Wala namang lumabas.

Pagkatapos kong magsulat ay muli ko silang hinarap.

"You can start now. That will serve as your attendance." Humalukipkip ulit ako. Nagsimula silang magsulat sa kanya-kanya nilang papel. "I'll be back." Kinuha ko ang bag ko at umalis. Sinara ko rin ang classroom nila.

Paglagpas ko sa classroom nila ay sinalubong ako ng dalawa kong kaibigan na si Quinn at Briar. Nag-apir kami saka nagsihagalpakan ng tawa.

"You made our day." Tinapik-tapik ni Quinn ang balikat ko. Hindi parin kami matigil sa pagtawa.

"I told you kaya ko." Maangas na wika ko.

Hinamon kasi nila ako. Hindi ko raw kaya magpanggap na teacher doon sa mga grade 7. E ayoko pa namang hinahamon ako kaya pinagbigyan ko na.

"Anna Marie Joy Bolocboloc, pucha!" Briar exclaimed the laughed again. Tumawa rin ulit kami.

"Kawawa yung mga bata. Baka gumagawa parin sila 'til now." Kunyari concern na sabi ni Quinn.

"Feeling ka. Kayong dalawa nga nakaisip non." Sabi ko naman.

"'Di namin sinabing magpagawa ka ng essay." Tanggi nito.

"500 words!" Nagtawanan ulit kami.

Anong oras na. Paniguradong late na kami sa first subject namin. Though first day of classes palang naman. Sabi nila, yung ibang prof daw hindi agad nagpaparamdam sa first day so okay lang siguro ma-late.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now