CHAPTER 11: VICTORY PARTY

15.4K 592 35
                                    

Clio's POV

"Ang dami palang imbitado." Naibulalas ko pagdating namin sa bahay ni kuya Lance kung saan gaganapin ang party.

Gabi na at mukhang nagsimula na ang party. It's a typical party thrown by a man for his acquaintances and friends. And when I say typical party, para kang nasa bar. May neon lights sa paligid, may nagsasaya sa pool, maraming tao at maraming drinks.

"Oo. Marami kasing kakilala si kuya Lance. Tingin ka dun." Nginuso niya ang isang kumpol ng tao. "'Yan yung katabi nating grupo kanina. Kakilala 'yan ni kuya Lance."

Bumilog naman ang bibig ko sa paghanga.

"Pareho pala kayo ni kuya Lance." Tumatawang sabi ko. Mga social butterfly. Bagay na hindi ko kayang gawin. May pagka-introvert kasi ako.

"Magkaiba kami ni kuya Lance. Siya, maraming kilala, sa'kin, maraming nakakakilala." Hindi ko alam kung nagyayabang siya o nagsasabi lang ng totoo. Pwedeng oo dahil madaldal siya at maraming alam na chismis.

"Maddie, Clio!" Si kuya Lance na nakatank top at sweatshorts. "Tuloy kayo. Nando'n yung drinks at foods, kuha lang kayo ha? Tapos yung dance troupe magkakasama sila kanina e pero 'di ko na sila makita." Aniya habang palinga linga sa paligid.

"Okay lang, kuya. Hanapin nalang namin sila." Tumatawang wika ni Maddie.

"Dude, congrats!" May lalaking lumapit kay kuya Lance at nakipag fist bump. "Hiramin ko muna 'to ha? Dali, dude!"

"Enjoy kayo ha?" Pahabol pa ni kuya Lance bago sumunod doon sa lalaki.

"Hindi ka naman mabilis malasing 'no?" Tanong ni Maddie habang palapit kami sa mini bar na nakaset up dito sa bakuran ng bahay ni kuya Lance.

"Hindi naman." Umiiling na sagot ko.

"Pero kapag lasing ka, kaya mo naman sarili mo?" Tanong niya ulit.

"Oo." Mabilis na sagot ko. Kaya ko naman. Last time nga lang may naka one night stand akong professor. But I won't let that happen again.

And speaking of professor. Nasaan kaya siya? Totoo kaya yung sinabi ni Maddie na pupunta s'ya e halos puro students ang nandito?

I haven't seen her-

Shit.

A woman in silky peach dress and white heels appeared. She walks elegantly, all attention are drawn to her. Tila wala naman siyang pake sa atensyon dahil diretso lang ang lakad n'ya papasok ng bahay ni kuya Lance.

Everyone was left in awe after she entered the house. Para siyang si Catriona Gray na rumampa lang sa stage, kinuha ang korona at umalis.

"Wow." I heard Maddie whispered. Kahit siyang straight ay hindi napigilan ang pagkamangha kay Miss Fabroa, paano pa kaya ako?

Her curves are to die for. Her hair dances with the way she moves. Her make up suits her face. She's damn gorgeous.

"Isang shot ng tequila please." Wika ko sa bartender na agad naman niyang binigay.

"Lemon?" Alok ni Maddie nang maibigay ang shot ko.

"'Wag na." Tanggi ko saka nilagok 'yon. "Shet." Gumuguhit sa lalamunan. "Isa pa pong shot." Request ko ulit sa bartender. Marami namang bartender sa mini bar na 'to kaya ayos lang kahit sunod sunod ang paghingi ko ng shot.

"Hinay-hinay, Clio. Wala pa sa peak ang party." Paalala ni Maddie while sipping on her margarita.

"Clio! Maddie!" Napalingon kami at nakita si Keysia na kumakaway. Bumaling agad sa akin si Maddie at ngumisi bago hinarap si Keysia at kinawayan pabalik.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now