CHAPTER 15: MAKE HER FEEL

17.3K 537 27
                                    

Clio's POV

"Are you sure kaya mo na?" My mom asked for the ninth time.

We're currently in the dining area having our breakfast. I had an accident. Ilang weeks din akong hindi nakapasok sa school kaya kailangan ko na talagang pumasok ngayon.

"Mommy, na-behind na po ako e. Kailangan ko na pong pumasok." Sagot ko naman.

"But you still have cast on your arm. Can you go to school with that?" Concerned na tanong parin ni mommy.

"We have drivers to drive for her. Magiging hatid sundo siya starting today. She'll be fine." Pagpapakalma ni daddy kay mommy. Mom looked at me softly.

I smiled at my mom. "I'll be fine, mom." Ulit ko sa sinabi ni daddy.

"Ate's old enough, mom. 'Di na 'yan baby." May halong panunuyang saad ni Riss. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

I understand mommy. Concerned lang siya bilang nanay. Lahat naman yata ng nanay ay ganito kung mag-alala sa mga anak.

"Okay, fine." Mom said in defeat. I smiled at her again to assure her.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang lumabas ng kotse. Ang bag ko ay nakasuot sa isa kong balikat, while my other arm is on a cast because of the accident.

I entered the school premises. There's a hollow feeling inside me. Ilang linggo lang akong nawala. Wala namang nagbago sa school, pero parang maraming nagbago. Sa akin.. siguro.

"Clio!" Someone shouted. Kilala ko agad ang boses na 'yon. Si Maddie.

"Maddie." Tumango ako sa kanya. Sumabay siya sa paglalakad ko.

"Pumasok ka na pala? The last time I talked to tita, sabi niya magpapagaling ka pa raw. Kaya mo na ba?" Tanong niya saka sinulyapan ang kamay ko.

"Yup. Kailangan e. Ayaw ni mommy but she later on approved." I answered casually. Nagpatuloy kami sa paglalakad. May ilang bumabati sa akin at nangangamusta.

Nagugulat parin ako sa dami ng nakakakilala sa akin just because I'm part of the school dance troupe. Marami rin ang dumalaw sa akin noon sa ospital. And Miss Fabroa visited me too. I clenched my jaw as I remember her. As much as possible, ayoko na siyang alalahanin.

Naghiwalay na rin kami ni Maddie dahil sa ibang building pa siya. Dumiretso naman ako sa classroom namin.

Napalingon agad ang mga nasa classroom pagpasok ko. Some of them are shocked of my sudden entrance. Tipid akong ngumiti sa kanila. Nilapitan agad ako ni Quinn at Briar.

"Welcome back!" Umamba ng tapik sa braso si Quinn pero agad siyang pinigilan ni Briar saka nginuso ang braso ko. "My bad," she said the laugh.

"Buti pinayagan ka ni tita?" Briar said while we're settling down to our seats.

"Wala ring nagawa si mommy." I chuckled.

"Siguro banned ka na sa pagsakay ng big bike no?" Pang aasar ni Quinn.

I nodded. "Sadly."

But maybe I can still change my mom's mind. Hindi naman siguro ako habang buhay na hindi papayagan. Or maybe they'll buy me a car. I need to learn how to drive a car now.

"Good morning." I froze in my seat when I heard the voice. Agad bumaling ang tingin ko sa harap. My heart skipped a beat when our gaze met.

"She's back?" I heard Quinn murmured. I glanced at her. Both of them seemed shocked.

"She's back?" I echoed with confusion. Binalik ko ang tingin kay Miss Fabroa. Nakaharap na siya ngayon sa laptop. Isang lalaki ang nag volunteer na tulungan para maiconnect ang laptop sa TV.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now