CHAPTER 21: ONE CHANCE

16.4K 539 42
                                    

Clio's POV

Habang nagkaklase kami kay Vianca ay lumipat ako sa harapan para makinig nang mas maigi. Nakapangalumbaba na ako habang pinagmamasdan siya. It's true that she's glowing. Maganda naman siya palagi, pero iba ang ganda niya ngayon.

I can't get my eyes off of her. Lahat ng galaw niya ay nakakamangha. The way she talks, the way she walks, the way her lips moves.. A flashback of what happened on the hotel registered on my mind. Shit. Not here, Clio.

She opened her book. A paper slipped from it. Mabilis akong tumayo para pulutin 'yon. Hindi sinasadyang masulyapan ko ang nakasulat sa papel.

Application for Schengen Visa. Iyon ang nakasulat sa taas ng papel. Halos patapos na rin ang pag-fill out dito. Hindi na ako magtatanong kung kanina 'yon dahil information niya ang mga nakasulat sa papel.

When I drifted my eyes on her, fear registered on her face. Wala sa sariling inabot ko 'yon sa kanya. Bumalik din ako sa silya ko, tuliro.

Aalis siya? Kailan? Saan siya pupunta? Gaano katagal? Bakit? Shit. Here I am again. Puno nanaman ng katanungan na tanging siya lang ang makasasagot.

"Class dismiss."

Hindi ko namalayan ang oras. Naging mabilis lang 'yon. Siguro dahil ang laman lang ng isip ko ay ang nabasa ko kanina. After she dismissed the class, I wanted so bad to talk to her pero alam kong may susunod pa siyang klase kaya ipinagpaliban ko muna.

I patiently waited until afternoon. Nakatambay ako sa dulo ng corridor, sa tapat ng faculty room. Hinihintay ko siyang lumabas do'n para makausap. Nakauwi na rin halos lahat ng students at teacher ay hindi parin siya lumalabas. So I decided to check on her inside the room. Sumilip ako sa bintana.

"Come in." Napaatras ako nang sumilip din siya sa bintana. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa gulat.

Naglakad ako papunta sa pintuan. I searched for the whole room. Siya na lang ang nag-iisang tao ro'n kaya pumasok na ako. She sat on her swivel chair and motioned me to sit down on the chair infront of her table.

"Hmm?" She hummed.

"Aalis ka?" Tanong ko nang walang paligoy-ligoy.

"I'm not sure yet. Pinag-iisipan ko pa." Kalmadong sagot niya. Sumandal siya sa backrest ng swivel chair.

"Bakit ka aalis?" Tanong ko ulit. Para akong batang natatakot maiwan. I don't know. What I found it seems a really bad news to me. Kung kailan hindi na siya umiiwas, saka naman siya aalis.

"I want to restart." She dragged the swivel chair near the table. Sinandal niya ang siko sa mesa at pinagsiklop ang mga daliri. Ang pormal niyang tignan ngayon. Malayo sa nakasama ko sa beach.

"Restart, sa ibang bansa pa? What about your family? Sasama ba sila sa'yo?" Ito nanaman ang mga tanong kong walang katapusan.

"Vera is all I have. Susunod siya after she fix things between her ex." Sagot niya. Naitikom ko nalang ang bibig ko. Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.

"What can I do.. to make you stay?" I asked in hoarse voice. Her lips pursed in a thin line. "Nevermind." Bawi ko agad.

Bigla akong nahiya sa sinabi ko. It's so bold of me to think that she'll stay for me. Tumayo na ako mula sa silya. Uuwi na ako. Tumalikod na ako, handa ng umalis nang magsalita siya.

"Ikaw ang tatanungin ko, Clio." Napahinto ako. I gulped. "What are you willing to do to make me stay?" She questioned. Lumingon ako sa kanya. Her face was full of hope and doubt.

I then faced her fully. Matapang akong hinarap siya. I breathed in, then slowly left it out in controlled manner.

"A-anything, Vianca. I'm willing to do anything. Just give me a chance." I said with full of conviction. I hope she sees my sincerity. I've never been this head over heels with someone, sa kanya lang. Sa kanya lang talaga.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now