CHAPTER 9: BREAK A LEG

15.2K 594 78
                                    

Clio's POV

Nandito kami sa loob ng bahay n'ya.

"Stay there." Utos n'ya ulit saka umakyat ng second floor.

Tatahol na ba ako? Parang aso lang kausap e. 'Di bale, ang mahalaga pinatuloy ako sa bahay niya.

Just like what she said, I stayed on the living room, standing. Nilibot ko ang tingin sa bahay. Malaki ito. Bakit kaya mag-isa lang s'ya rito? Well, she's an adult and living independently. May sariling bahay, sasakyan, at stable job. Maganda, sexy, matalino, magaling sumayaw. Hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit lagi s'yang napagkakamalang third party gayung ang perpekto niya.

Pagkaraan ng ilang sandali ay bumaba na s'ya at may bitbit na mga damit. Napangisi ako. Concerned na rin s'ya sa'kin.

"There's the bathroom." Tinuro n'ya ang direksyon ng bathroom. "Change your clothes." Utos niya ulit.

"Aye, ma'am!" Ganado kong wika saka kinuha ang mga damit sa kanya.

Nagpunta ako sa bathroom para magbihis. Sweatpants at shirt ang pinahiram niya. Hindi ako sanay sa shirt dahil hindi 'to oversize sa'kin pero okay na rin. This is all I got. Pinahiram lang ako, pangit naman kung magreklamo pa ako.

Paglabas ko ng bathroom ay naabutan ko si ma'am na nasa living room, nasa lap ang laptop niya at seryosong nagtitipa.

Hindi ba niya ako aayaing kumain?

"Once the rain stopped, you're free to go." Wika n'ya nang hindi manlang sumusulyap sa'kin.

"Ma'am, hindi mo manlang aayain ng dinner yung bisita mo?" Nagbibirong tanong ko. Naupo ako sa sofa na nasa harap n'ya.

"I hate uninvited visitors." She coldly replied and glanced at me. Ang lamig talaga ng mga titig niya e.

"What happened, ma'am? Did your boyfriend cheat on you?" I asked in low tone. Hindi siya sumagot, as expected. "How can I help, ma'am?" Tanong ko ulit. Still no response.

Kinuha ko phone sa bag ko para i-text ang parents ko. Nagsabi ako na mali-late ako ng uwi dahil late kaming matatapos ng practice.

"Hindi ka nagugutom, ma'am?" Tanong ko ulit na hindi niya lang pinansin. "Marunong akong magluto. Want me to cook for you? Chef ang tatay ko-" naputol ako nang lingunin niya ako gamit ang nanlilisik niyang mata.

"What do you want?" Tanong n'ya. Nilapag niya sa center table ang laptop niya at hinarap ako.

My forehead creased. "Uhm.. Siguro, ma'am, lasagna? May mga ingredients ka ba-" naputol ulit ako nang magsalita siya.

"What exactly do you want?" Seryosong tanong n'ya. "Why do you keep on fucking pestering me huh? Ano ba talagang gusto mo? Just say it and I'll fucking give it to you." Singlamig ng yelong bigkas niya pa.

Napaawang ang bibig ko. I can't answer because even I, hindi ko rin alam. Bakit ko nga ba ginagawa 'to? I shouldn't be here. Dapat wala akong pake sa kanya. Hindi ko naman siya kaano-ano pero grabe yung concern ko sa kanya.

I opened my mouth but no words came out. Napaiwas ako ng tingin.

"Do you want this?" Napalingon ako sa kanya. She started to undress herself by removing her blouse top. "Fine. Go on. Ito yung gusto mo, 'di ba? Kaya hindi mo ako nilulubayan." Mapait na turan niya.

"Ma'am, no." Agap ko. Sumilay ang kaba sa dibdib ko kaya napaiwas ako ng tingin. Shit. Ito nanaman.

"Don't fucking fool me, Martinez. Nandito ka kasi umaasa kang maulit yung nangyari sa atin that night. Then, I'll allow you to do that. But this will be the last time I'll ever see your face." Nakita ko ang paghakbang ng mga paa n'ya palapit sa'kin kaya tumayo ako.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now