CHAPTER 46: A NIGHT TO REMEMBER

21K 664 68
                                    

[A/N: This chapter is strictly not for minors, pero alam ko namang babasahin niyo parin so read at your own risk. Reminder that Clio is intersex so if you're uncomfortable with this scene, kindly skip it.]

...

Clio's POV

"Dito ka na matulog." Wika ni Vianca pagkatapos naming patulugin si Hyacinth. May times pala na ang hirap nitong patulugin lalo kung sobrang hyper niya.

"Dito?" Pagtukoy ko sa kwarto nila. Sa ayos ni Hyacinth ngayon, dalawa lang sila ni Vianca ang kasya sa kama, pero kaya ko namang makisiksik.

"Sa guestroom, hindi na tayo kasya rito." She said while watching Hyacinth sleep.

"Sure." Ngiting sagot ko. Bakit pa naman ako tatanggi?

"Kuha lang ako ng mga gagamitin mo." Paalam nito saka nagpunta sa walk in closet.

Pagbalik niya ay may bitbit na siyang oversized shirt at shorts, bagong set ng underwear, at isang unan at comforter.

"Ako na magbitbit nyan." Kinuha ko sa kanya ang mga bitbit niya.

She lead me to one of their guestroom. I placed the stuff on the bed.

"Matutulog ka na ba?" Tanong ko habang binubuksan niya ang AC ng kwarto.

"Yeah." She answered plainly.

"Okay," ngumiti ako. "Goodnight."

"Goodnight." She smiled back and walked away. Siya na rin ang nagsara ng pinto.

Nagshower muna ako bago matulog. Sakto naman sa'kin ang shirt at shorts na pinahiraman niya, yung sportsbra, ayos na rin, pero yung panty, hindi kasya kaya wala akong choice kundi magshorts nalang. Uuwi nalang ako nang maaga bukas.

Habang tinutuyo ko ang buhok ko ay may biglang kumatok.

"Come in." I said. Akala ko ay isa sa kasambahay nila pero nagulat ako nang si Vianca ang bumungad. Nakasuot siya ng black nighties at basa rin ang buhok. "W-why?" Utal na tanong ko.

Nakatayo ako malapit sa kama, samantalang siya ay nakatayo sa tapat ng pinto pero hanggang dito ay ramdam ko parin ang tensyon.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Her eyes grew large in a split second, and her face flushed. Mabilis na umangat ang tingin niya sa mukha ko.

"H-hindi kasya sa'kin yung pinahiram mong ano.." nahihiyang paliwanag ko.

I might consider bringing clothes in my car for future purposes. Nakakahiya 'to.

"Sorry.. wala kasi akong boxers." Saad niya habang pinamumulahan parin ng mukha.

Mas mabuti na 'yon. Kung may boxers dito na hindi naman niya size ay baka hindi ako matuwa.

"Ayos naman na sa'kin 'to." Tikhim ko. Naglakad ako palapit sa kanya. "Why are you here? May kailangan ka ba?" Kalmadong tanong ko.

"I was just gonna ask if you need anything." She answered. Hindi mapakali ang mga mata niya.

"I'm fine. Kumpleto naman ang gamit sa bathroom..." Sagot ko. I can't help but to check her out. The black nighties she's wearing is highlighting her fair skin. And the silky fabric of it is giving justice to her perfect curves. And her wet hair? Damn she looks.. hot.

She cleared her throat kaya naputol ang tingin ko sa kanya.

"Okay, then. Kung wala ka ng kailangan-"

"Actually, I do." Putol ko sa kanya. She raised a brow. "I do need something.. A goodnight kiss, maybe?" I asked while nibbling my bottom lip.

"Sure." Kibit-balikat na sagot niya.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now