CHAPTER 12: HEARTBREAK

15.6K 548 56
                                    

Clio's POV

The next day after the competition and the victory party was a bit.. weird. I can sense my schoolmate's stares at me like I'm some new discovered specie. I don't know if it's a good thing or not. The brighter side is, maybe they're staring at me because they remember me as the member of the school's dance troupe, the bad side is, baka nakilala kami nung lalaking nakakita sa amin while making out.

Hindi ko matukoy kung alin sa dalawa kaya binilisan ko nalang ang paglalakad nang nakayuko hanggang sa may humarang sa daanan ko.

Nag-angat ako ng tingin. Grupo ng mga high school students ang bumungad sa'kin. I gave them a confused look kaya nagsalita ang isa sa kanila.

"Ate, kami yung mga grade 7." Anito sa masiglang tono. Doon ko lang narealize na pamilyar sila.

"Na-prank mo kami, ate! Akala talaga namin teacher ka." Sabi naman ng isa.

"Ang galing mo mang prank, ate! Para kang si ka wonder." Wika ng isa saka tumawa.

Palipat lipat lang ako ng tingin sa kung sinong magsasalita dahil naguguluhan parin ako kung bakit nila ako kinakausap. Gagantihan na ba nila ako? Ipapabugbog?

"Ah, salamat?" I said while touching my nape.

"Hindi, ate. Kaya talaga kami nandito para magpa-picture! We watched your performance with the school's dance troupe. Ang galing po ninyo!" I felt relieved after that. 'Yon lang pala ang pakay nila.

"Okay, sige." Tumayo ako sa gitna at hinintay silang tumabi sa akin para makapagpa-picture. I smiled for the picture. "Ayos na ba?" Tanong ko pagkatapos ng ilang picture.

"Opo. Thank you, ate!"

"Babye, ate!" Tumango na lang ako. Nagsitakbuhan na sila paalis.

Nagtuloy ako sa paglalakad papunta ng classroom namin. Ramdam ko parin ang titig ng iba sa akin but I chose to ignore them. Nakahinga ako nang maluwag nang makarating sa classroom.

"Uy, Clio!" Isang kaklase ko ang tumawag sa'kin. "Congrats, champion school natin." He said and pats my shoulder.

"Thank you." Sagot ko at tipid na ngumiti.

"Paburger ka naman, Clio!" Hirit ng isa.

"Oo nga!" Segunda ng isa.

Napaisip ako. I can treat invite them to our restaurant. I'm sure matutuwa pa parents ko kung may blockmates akong pupunta sa restaurant namin. I can also invite the dance troupe.. and Miss Fabroa.

"Sure. Free ba kayo after class?" Tanong ko. Nagliwanag ang mga mukha nila.

"Uy, sure ka? Jino-joke ka lang namin pero kung sure ka, bakit naman kami tatanggi?"

'Yun nga at pinag usapan namin ang naisip ko. They're happy to hear na ililibre ko sila sa restaurant but I didn't mention that it's our restaurant. Nasa 20 lang naman ang makakapunta, ang iba ay may kailangan daw gawin after class.

Nang vacant na namin ay nag online ako para i-chat si kuya Lance. I messaged him saying I'm inviting them for dinner. Um-oo naman siya at sinabing siya na ang magsasabi sa iba pa naming kagrupo. I didn't tell him to invite Miss Fabroa dahil gusto kong ako ang mag imbita sa kanya.

Nang pumunta ako sa search bar ay nangunguna ang pangalan ni Miss Fabroa at nanlaki ang mata ko nang makitang friends na kami. She accepted my friend request. Pagdating ko kagabi sa bahay ay 'yon ang una kong ginawa. Ang mag send ng friend request sa kanya. I smirked. Advantage talaga ang courage na naibibigay ng alak.

But now that I'm sober, kaya ko bang mag send ng message sa kanya? I inhaled then exhale. Kaya ko 'to. Message lang 'to, Clio. 'Wag kang kabahan.

I composed a message.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now