CHAPTER 44: PARKING LOT

15.5K 584 50
                                    

Clio's POV

"'Yun oh! Fresh from Siargao!" Briar barged in my office like she owns the building.

"Hindi nag-invite?" Sumunod sa kanya si Quinn.

Hindi na talaga ako nagulat na nakarating agad sa kanila ang balita. Kauuwi lang namin kahapon at heto na sila ngayon.

"You are so nosy, guys." Natatawang saad ni Cora. Alam ko namang kasali rin ito dahil close na rin siya kay Quinn at Briar.

"Nosy? Who's nosy?" Sumilip si Maddie.

I rolled my eyes.

Kumpleto na silang apat ngayon dito sa office ko.

"Kwento ka naman, Clio."

Kumuha sila ng kanya-kanyang silya at nilagay sa harap ng aking lamesa. Para silang mga batang nakaabang sa storytelling ni teacher.

"Tapos na ba ang drought season?" Natatawang usisa ni Quinn.

I ignored the question.

"Who's the kid sleeping next to Miss Fabroa?" Tanong naman ngayon ni Maddie. "The kid kinda looks like Miss Fabroa." She remarked.

"Oh?" Si Briar na bumaling pa kay Maddie.

"Hold on," si Cora. She looked at me with widen eyes. Maybe she has a clue now. Napagtatagpi-tagpi na niya ang lahat.

I just opened my laptop and pretended to be busy with something else, habang sila ay busy sa pag-uusap tungkol sa akin at kay Vianca na akala mo'y 'di ko sila naririnig.

"Tinaguan mo kami ng anak?!" Quinn exclaimed. Napatayo pa ito sa silya habang nanlalaki ang mata.

I frowned. Sila ang tinaguan ko? E ako nga itong tinaguan. Do they think hindi ko ipaaalam sa kanila kung may anak man ako? I would announce to the world if ever.

"Siya ang tinaguan! Tangeks mo Quinn!" Si Maddie kay Quinn.

"Oh poor Clio.." makabagbag-damdaming saad ni Briar habang nakahawak sa dibdib at mukhang awang-awa sa'kin.

"Hindi 'yan poor, mayaman 'yan." Pagtatama naman sa kanya ni Quinn.

Napahawak nalang ako sa sentido ko habang pinapakinggan mga walang kwentang usapan nila. Ayos lang sa'kin, as long as hindi makakarating kay mama. Trusted naman sila kahit ganito sila.

"Elara Hyacinth ang pangalan niya." Sagot ko pagkatapos nila akong kulitin ng sampung beses sa pangalan ng anak ko.

"Hyacinth? Anak nga ni Clio!" Quinn exclaimed. Lahat kami ay bumling sa kanya ang tingin. "Clio the greek muse of history, anak ni Zeus at Mnemosyne. She has a child named Hyacinthus."

"Really?" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

This is news to me. Hindi ko na kasi inusisa kung saan nanggaling ang pangalan ni Hyacinth. And finding out that Vianca named our daughter based on the greek muse of history—Clio's child—was heartwarming.

Tumango si Quinn.

"Kailan mo pa nalaman na may anak kayo?" Usisa naman ni Maddie.

"Last week." Maikling sagot ko.

"Patingin nga ng picture ni Hyacinth." Cora demanded.

Wala pa sa'kin yung pictures namin sa phone ni Vianca at sa camera ni Hyacinth kaya nilabas ko ang isang picture frame naming tatlo. It's the picture with Rocco, I just cut him off the picture and framed it.

"Kamukha nga ni Miss Fabroa—buti nalang." Briar left out a sigh of relief.

Inirapan ko nalang. Sino ba hindi mababadtrip kapag ganito ka-alaskador mga kaibigan? Lahat nalang talaga.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now