CHAPTER 10: WIN OR LOSE

14.2K 542 28
                                    

[A/N: As promised : ) Goodnight, gays!]

...

Clio's POV

"The Ravenwood University!"

Hindi pa ako nakakahinga ay tinawag na kami. Hinila ni Maddie ang kamay ko kaya napasunod na lang ako sa grupo. Abot langit na ang kaba ko. Hindi ko alam kung dahil sa biglang paghawak ni Miss Fabroa sa kamay ko e dahil sa mga taong nasa amin ang buong atensyon sa ngayon.

I spotted my family on the audience. Malalaki ang ngiti nila. My little sister is holding her phone, she seems recording this event. Si mommy naman nakatingin sa akin at mukhang proud, and my dad looks proud as well.

Nag formation na kami. Nakayuko kaming lahat bago magsimula ang music namin. Remix 'yon. Ang una ay akala mo pay pasabog kaya magugulat ka talaga. 'Yon ang hinihintay namin because that's the sign that we need to give our best.

Isinantabi ko muna ang mga bumabagabag sa isipin ko. I need to focus. Kahit sampung minuto lang, hanggang sa matapos ang performance.

Our song started. I did my best. Everyone gave their best. Thank God walang error sa performance namin. The whole time I was just staring at my family. Unti-unting nawala ang kaba ko dahil sa pagngiti at pagsigaw nila.

Nang patapos na ay saka lang ako lumingon sa ibang direksyon. Miss Fabroa caught my attention. Nasa gilid siya ng mga audience, medyo malayo ang pwesto n'ya pero tanaw ko parin. She's directly staring at me while her arms are crossed. Hindi na maalis ang tingin ko sa kanya habang ginagawa ang mga steps. Halos patapos na kami kaya binaling ko ang tingin sa harapan. Nag-bow kami pagkatapos ng performance. Hinanap ko siya ulit sa pwesto n'ya pero wala na s'ya do'n.

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang gymnasium pagkatapos ng performance namin. Lahat kami ay hinihingal na bumalik sa backstage.

"We did great!" Si Kuya Lance na mukhang satisfied sa naging performance namin.

"We did!" Maddie seconded. She's loud because of the reaction we received from the audience. "Better, better than other dance troupes." Dagdag niya saka ngumisi.

I silenced her to keep quiet. Baka marinig kami ng ibang dance troupes at magkaroon pa ng gulo. Ngumisi lang ulit siya.

"Kuya Lance, pwede muna umalis saglit?"

"Sige. Balik kayo kapag announcement na ng winners ha?"

"Opo."

"Uy, libot tayo dito sa campus nila! Mukhang maraming pogi rito." Aya sa'kin ni Maddie saka humagikgik. Nilingkis nito ang kamay sa braso ko.

My breathing becomes heavy when I saw who enters the backstage. Si Miss Fabrao na bumagsak ang tingin sa amin ni Maddie na kalaunan ay nag iwas din.

"Ma'am, you think we did well?" Si kuya Lance ang sumalubong sa kanya.

"You did very well, Lance, all of you." Malambing na sagot n'ya kay kuya Lance. May kasama pang matamis na ngiti.

"Magagaling din kasi itong new members, ma'am." Hinanap kami ni kuya Lance. Kaming dalawa nalang ni Maddie ang naiwan sa mga bagong member dahil lumabas na yung iba.

Hinila ako ni Maddie palapit sa kanila. Napalunok ako nang dumako ang tingin sa'kin ni Miss Fabroa. Her stared are cold again.

"Magaling ka rin kasing magturo, kuya Lance." Sabat ni Maddie. "Pati si Miss Fabroa rin." Medyo nahihiyang baling nito kay Miss Fabroa.

"You should get yourself a snack. Pumunta kayo sa cafeteria ng school and tell them you're the representative from Ravenwood. The Amherst prepared a snack for each school representative." Mahabang litanya ni Miss Fabroa, ignoring Maddie's compliment.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now