CHAPTER 3: QUIZ

18.1K 616 103
                                    

Clio's POV

Kinabukasan, klase namin kay ma'am Vianca. Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa discussion n'ya. Magaling s'yang magturo. Hindi ko lang alam kung dahil do'n kaya nakukuha n'ya ang atensyon ng lahat o dahil sa ganda niya.

Hindi lang kasi ako ang nakapangalumbaba habang nakatitig sa kanya. Pati rin ang iba naming kaklase, lalo yung mga lalaki.

I sighed. Last night was fun even though she didn't say a word during the ride. Dapat pala binilisan ko ang drive para matakot s'ya at yumakap sa'kin.

Sinundan ko s'ya ng tingin nang maglakad s'ya palapit sa pinto. She opened the door and I was shocked to see Maddie. Ma'am Vianca talked to Maddie and then she looked at my direction.

"Miss Clio, someone's looking for you." She said in her usual professor tone.

Agad akong tumayo. Bumalik sa pagdidiscuss si ma'am. Nilapitan ko si Maddie. Ang galing naman n'ya at nahanap n'ya ang room ko.

"What brought you here?" Tanong ko.

"Uhh, itatanong ko lang sana kung nakita mo yung hoodie ko? Baka nakita mo lang sa bleachers kahapon?" Tanong n'ya.

"Ah, oo," sagot ko. "Pero hindi ko nadala, nakalimutan ko. Bukas dadalhin ko, malinis na 'yon." Ngumiti ako.

"Naks!" Mahina n'yang tinulak ang balikat ko. "Thanks! Sige, yun lang talaga pinunta ko e." She said and smirked.

"No prob." Wika ko naman.

Sumilip s'ya sa loob saka nagsalita. "Thank you, Miss Fabroa." Nginitian n'ya muna ako bago tuluyang umalis.

Napatingin ako kay ma'am Vianca. She eyed everyone. Ngayon lang namin nalaman ang apelyido n'ya. Mukhang pati s'ya ay nagulat sa biglang pagbanggit non ni Maddie.

Bumalik ako sa upuan ko. Hindi manlang ako nagtanong kahapon. Alam pala ni Maddie. But atleast alam ko na ang buong pangalan niya. Napangisi ako.

"Sino 'yon?" Osyoso ni Quinn pagkaupo ko.

I glanced at her. "Si Maddie, kaibigan ko." Tipid na sagot ko. I'm not even sure kung friends na kami ni Maddie but by the looks of it, mukhang oo.

"Weh?" Singit ni Briar. "Kaibigan pero ginaganon ka." Hinaplos n'ya ang balikat ko kaya agad kong tinabig ang kamay n'ya. Sabay silang naghagikgikan ni Quinn.

Napailing nalang ako. Tinapik lang balikat ko, hindi hinaplos. Malisyoso talaga 'tong dalawa.

"Give me an example.. Miss Clio?" Automatiko akong napalingon kay ma'am Vianca. Hawak n'ya ang libro n'ya at nakatingin sa akin. "Stand up."

Tumayo ako at napalunok. "Yes, ma'am?" Tanong ko. Anong nangyayari? Pansin kong may dalawang kaklase rin akong nakatayo at napapakamot ng ulo.

"Miss Jane, please repeat it for Miss Clio." Utos ni ma'am sa isang kaklase. Napakagat ako ng labi. Ang talim ng tingin n'ya sa'kin pakiramdam ko nalulusaw ako.

Tumayo naman si Jane at binasa ang nasa libro namin. Putangina. Para akong yung babaeng nasa meme na may lumilipad na numbers sa paligid n'ya and I'm fucking baffled.

"State your example now, Miss Clio." Nabaling ulit ang atensyon ko kay ma'am Vianca.

I have no fucking idea what the she read was all about. Oo nga at binasa 'yon para sa'kin pero walang nag register sa utak ko. Bakit kasi ako? Problem solving ba 'yon? Sarili ko ngang problema hindi ko ma-solve.

I inhaled sharply. "Sorry, ma'am, hindi ko po alam ang sagot." I honestly stated. Umangat ang isang kilay n'ya.

"Okay. Take your seat." Naupo kaming tatlo.

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now