CHAPTER 22: FAMILY EMERGENCY

15K 487 44
                                    

Clio's POV

Since I started courting Vianca, I've figured out that I need to learn how to drive. Ayokong siya lagi ang nagmamaneho sa tuwing lalabas kami. Kaya nagpaturo ako kay dad at kay kuya Berting.

Ngayon, marunong na akong magmaneho. And I want to surprise Vianca by driving to school on my own. I asked her kung papunta na ba siya ng school. I measured the time at which we will arrive at school, at the same time.

Hindi ako nabigo. Nang iparada ko ang sasakyan ay siya ring pagdating ng sasakyan niya. Magkatabi ang kotse namin. Hinintay ko muna siyang lumabas bago ako sumunod.

Kumunot agad ang noo niya nang makita kung saang pinto ako lumabas.

"Did you drive?" Tanong agad niya.

"Well," nagyayabang na wika ko. Kinuha niya ang mga gamit niya sa kotse kaya nagpresinta agad ako. "Ako na, ma'am." I said and grinned.

She rolled her eyes. "Don't get too close. There are CCTV's here." Banta niya.

"I'm just helping my professor." Tinaas ko ang mga gamit niya. "What's wrong with that, ma'am?" Nang-aasar pang wika ko.

"Shut up." Nagsusungit na wika niya. Tumawa lang ako. Ang sungit. Bumaling siya sa'kin kaya napatigil ako. "You shouldn't be driving. Baka maaksidente ka na naman."

"I won't. Mag-iingat na ako." I assured her.

She just crunched her forehead then started walking. Sinabayan ko na siya sa paglalakad. Hindi na kami nag-usap dahil marami ng students at teachers ang nakakita sa amin.

Napag-usapan na namin 'to. Na sa loob ng school ay teacher at student lang ang relasyon namin. Nilinaw niya rin na hindi siya magkakaroon ng special treatment sa akin dahil lang sa manliligaw niya ako. Wala naman akong reklamo. Hindi ko naman siya niligawan para tumaas ang grado ko sa kanya.

"Thank you, Miss Martinez." Pormal niyang sambit pagdating namin sa classroom.

Tumango na lang ako at naupo na sa silya ko.

"Hoy, Clio." Bungad ni Quinn. Ito na naman sila. "Nagpapapansin ka pa rin kay Miss Fabroa? Tsk tsk." She sounds disappointed.

Kung alam niyo lang. Hindi lang ako nagpapapansin, manliligaw na ako ngayon. Hindi ko 'yon pwedeng sabihin. Alam ko ang pwedeng mangyari kapag nakarating ito sa iba. I need to keep my mouth shut.

Tumahimik na lang ako. Bahala silang dalawa, isipin nila kung anong gusto nilang isipin.

The class started. Wala namang bago, tutok parin ako kay Vianca habang nagsasalita siya sa harapan. If only I could stare at her forever. She's gorgeous. Habang tumatagal ay mas lalo pa siyang gumaganda.

Natapos na rin ang klase ay hindi parin nawala ang titig ko sa kanya. Kung ice cream lang siya, kanina pa natunaw.

"Ma'am, gumaganda ka." My eyes drifted whoever said that. 'Yan yung kaklase naming papansin sa soon to be girlfriend ko.

Ngumiti lang si Vianca. Nagkunwari namang nahulog sa silya ang lalaki. I rolled my eyes. Papansin. Dumako ulit ang tingin ko kay Vianca. She's raising her brow at me so I just pouted. Hirap pala ng ganito, hindi ko mabakuran.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa gym. Balik na ulit ako sa practice para sa dance troupe.

"Cliocakes!" Si Maddie ang sumalubong sa akin.

"Hi, Mads." Ngiti ko.

"Sama ka?" Tanong niya habang nagtatali ng buhok.

"Saan?"

Caged [RWS #1]Where stories live. Discover now