Kabanata 2

730 50 53
                                    

"W-WHAT?" Xibel froze for almost a minute. Bigla siyang nabingi sa sinabi nito.

"Papa!" muli nitong sigaw dahilan upang magsalubong ang kaniyang mga kilay.

"Shut up and let me go." The immense disgust as he thought a woman was holding him overtook him. He pushed her forehead with his fingers in an attempt to remove her from his feet. But the girl was harder to peel than a leech. Kapit na kapit ito sa kaniya at walang plano siyang bitiwan.

"Papa!" muli nitong saad.

"I am not your father." Naglakad siyang muli at hindi pinansin ang lintang nakakapikit sa kaniya. Nagbabakasakali siyang ito mismo ang bibitaw kapag 'di niya ito pinansin.

Subalit ilang minuto na ang lumipas sa kaniyang paglalakad, nakakapit pa rin ito.

"Papa! Papa!"

He rolled his eyes in annoyance. Pinilig niya rin ang ulo dahil sa mga boses na naririnig niya sa kaniyang tainga. Naiinis na siya.

I don't like humans at all.

"I'll give you one chance, child. If you are not going to let me go, I will curse you," he warned her. Tinaas niya ang isang kamay at binalandara ang berde niyang apoy. "Leave me alone."

Napanganga naman ang bata habang nakatingin sa kaniyang kamay, isang reaksyon na hindi niya inaasahan. Lalong napuno ng inis ang kaniyang pakiramdam nang unti-unting sumilay ang mga ngiti nito sa labi.

"Magic, Papa! Magic!" hiyaw nito sa tuwa. Tinuro nito ang kaniyang kamay habang ang isa ay nanatiling nakahawak sa kaniyang paa.

He grabbed the chance and swayed his feet hard, making the kid lose her grip. She fell on the ground. Sa lakas ng pagkakabagsak nito, nag-iwan ito ng mga sugat sa tuhod.

He froze on what he did. A series of flashback unfolded before his eyes which made him approach her. He was ready to reach for her hand when he realized what he was about to do. Why would he help her? Why would he offer his hand to the kind who ruined him?

For him, they were nothing but humans worthy of any suffering. He loathed them to the point he never allowed his heart to feel any pity grow.

He would never be fooled twice.

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad paalis.

"Papa!"

Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses ng bata. Kaagad itong nasundan ng mga hikbi hanggang sa tuluyang naging isang malakas na iyak.

Mariin siyang napapikit.

"Papa!" The kid called him again but he refused to listen. Nanatili lang siyang nakatayo at hindi ito nililingon.

I should leave. She is not my responsibility.

He took a step forward while not listening to his conscience. Hindi niya pinansin ang paulit-ulit na sigaw nito. Buti na lang at walang tao sa paligid. He could leave her just fine. Walang kahit anong sagabal at walang magtatangkang ituro siyang ama ng bata.

"Papa! Sakit! Ella is hurt!"

Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Papa!"

Hindi niya ito nilingon. Patuloy niya lang inapak ang mga paa palayo ngunit parang hindi yata nakikinig ang katawan niya sa kaniyang isipan. Bago niya pa mapagtanto, nasa harapan na siya ng batang walang tigil sa kakangawa.

"Curse you." He sighed in defeat and kneeled in front of her. Tinapat niya ang kamay sa sugatang tuhod nito.

Hushing, he sprinkled a dust of darkness on her knees. Ilang saglit ang lumipas, tuluyan itong nawala kasama ang mga sugat at hindi man lang nag-iwan ng kahit isang maliit na peklat.

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now