Kabanata 28

412 39 9
                                    

MALAPIT nang magtanghali nang magising si Jasia. Sabi niya pa ay kaunti lang ang iinumin niya pero dahil tuluyan silang nakapag-usap nang masinsinan ni Ameri, nawala na ito sa utak niya. But, oh well, if it meant talking to her without any punch of their cold war, she would be glad to get drunk over and over again.

She had been wanting to make their relationship better. Right when she just arrived at the Portal Shoe Company, Ameri was the first to catch her attention, and she wanted to be friends with her. It was just quite eventful that they were always competing at the end of each roles.

Bumangon na siya sa kama at tiningnan ang kaniyang phone. Nag-iwan ng mensahe ang kaniyang sekretarya na wala silang rehearsal mamayang hapon dahil nagpatawag ng meeting ang presidente ng kompanya at kailangang dumalo lahat ng instructors at directors.

"Sounds convenient to me." She subtly swayed her shoulder while getting up to bed. Doon na lang muna siya sa bahay ni Xibel mananatili buong araw.

Hinanda na niya ang kaniyang mga gamit. Dinala niya rin ang kaniyang bag na naglalaman ng mga damit para sa pag-eensayo. Nasasayangan siya sa oras kaya mag-eensayo na lang din siya sa kaniyang routine mamaya.

Nang handa na ang lahat, lumabas na siya sa kaniyang kuwarto. Dinaanan niya rin si Isabella ngunit napansin niyang nakaawang ang kuwarto nito. Sinilip niya ang loob pero walang tao. Hindi kaya'y nauna na itong pumunta sa bahay ni Xibel?

Napasingkit naman ang kaniyang mga mata. Dali-dali siyang bumaba at nagtungo sa kaniyang kotse. Pinaharurot niya kaagad ito sa bahay ni Xibel. Pagkarating niya, hindi nga siya nagkamali. Nandoon na si Isabella na abalang makipagtalo kay Imris. Nakaupo sa sofa ang dalawa.

"Ang panghi mo naman, hindi ka ba naliligo?" ani ni Isabella at inamoy ang buhok ni Imris.

"I bathe everyday!"

Hindi naman nagbago ang ekspresyon ni Isabella at mas lalo lang inaasar ito. Umakto itong nasusuka habang napapatakip pa sa ilong.

Napunta ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa kabilang sofa. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang pagmumukha ng lalaki pero paniguradong nakasimangot na naman ito.

Bahagya siyang napangiti sa isip at saka naglakad sa dulo ng sofa na inuuupan nito.

"Good morning, Xibel."

Hindi siya nito sinagot. Humalukipkip lang ito at tumingon sa kabilang direksyon. Kahapon pa ito hindi namamansin sa kaniya.

"May problema ba? Did I do something wrong?" She slightly tilted her body in hopes to see his face but she could only look at the side of his cheek. Kaunti na lang kasi talaga at haharap na sa direksyon ng kusina ang katawan nito.

"Hey, why aren't you talking to me? Invisible ba ako?" Nilingon niya ang dalawang babae na nagsasabunutan na. "Nakikita niyo naman ako, 'di ba?"

The two paused and nod. Binalik ulit nito ang atensyon sa pakikipag-away.

"Then why is this man treating me as if I'm an air?" pagpaparinig niya. Pabagsak niyang nilagay ang bag sa sofa dahilan para bahagyang mapaigtad si Xibel. Hinintay niya ang magiging reaksyon nito subalit wala.

Bumuntonghininga na lang siya. Maybe she was asking for too much. It was just recently they reconciled, and somehow, made spaces for each other, after all. Xibel had a phobia for women that he experienced intense panic every time he came across one. And he was one of them.

Siguro nga, hayaan na lang niya muna ito. She was already thankful that he wasn't spitting foul words to her anymore.

Binuksan na niya ang zipper sa kaniyang bag upang kunin ang pointe shoes niya nang may mahinang boses na umalingawngaw sa kaniyang tainga.

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now