Kabanata 16

483 47 24
                                    

Trigger warning: This chapter contains sexual harassment. This may be uncomfortable for some readers so please, be advised. Prioritize one's state of mind all the time. Thank you.


PAGKALABAS ni Jasia, dali-dali siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaharurot ito pauwi. Hanggang sa makarating siya sa kaniyang kuwarto ay walang tigil pa rin sa pagragasa ang kaniyang mga luha.

Hindi niya inakalang lalabas iyon sa bibig ni Xibel. Hindi niya inakalang ganoon pala ang pananaw ng lalaki sa kaniya. Wala siyang ginawang masama o kahit magpakita man lang ng hindi magandang ugali kaya hindi niya maintindihan kung bakit kaya nitong magbitiw ng mga napakasakit na salita.

Tinapon niya ang sarili sa kama at niyakap ang kaniyang unan. Humagulgol siya habang naaalala ang isang memoryang pilit niyang kinakalimutan. When Xibel called him a desperate whore, she wasn't able to control herself and slapped him. Hindi nito alam kung gaano niya kinasusuklaman ang mga salitang iyon.

Nagtalukbong siya ng kumot habang paulit-ulit na umiling. Halos bumaon na ang kaniyang mga kuko sa unan, pinipigilan ang utak na bumigay at magpakain na naman sa alaalang matagal na niyang pilit na binabaon.

"Forget it, please . . ." Nagtaas-baba na ang kaniyang dibdib dulot ng kinakapos niyang paghinga. Umalingawngaw ang kaniyang pagtangis sa tahimik na kuwarto habang dahan-dahan na siyang binabalot ng nakaraan.

Ilang taon na rin pero hindi pa rin naibsan kahit kaunti man lang ang disgustong nararamdaman niya sa araw na iyon.

Hindi niya kasalanang naranasan niya iyon.

Hindi niya iyon ginusto.

"Please, please. Let's forget it, please," Jasia pleaded between her sobs. She held her legs, letting her nails punch through the skin and wincing herself in pain. Her mind shifted to the pain and for a moment, her attention diverted. Ilang minuto niya ring tiniis ang sakit hanggang sa humupa ang nagulo niyang utak at mahila ang sarili sa isang panaginip.

Paggising niya, halos hindi niya mahila ang sarili patayo dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam. Nananakit din ang gilid ng kaniyang ulo dulot ng kakaiyak niya kagabi. Pero kahit na ganoon, pinilig niya pa ring bumangon. Pumasok na siya sa shower room at kamuntikan pang mapasigaw nang makita ang namumugto niyang mata sa salamin.

"Kasalanan 'to ni Xibel." Pinadyak niya ang mga paa bago tuluyang naligo.

Susunduin niya dapat si Imris ngayon at ihahatid sa paaralan nito pero ayaw niya munang magpakita sa mag-ama. Matapos ng nangyari kagabi, hindi pa niya kayang harapin ang lalaki. Total naman ay pinagduduhan na siya nito sa simula pa lang, bakit niya pa pipilitin ang sariling magmukhang mabait at responsable sa harapan nito.

"As if naman may mapapala ako sa 'yo kapag nagsinungaling ako, e, 'di mo nga kayang buhayin si Imris nang mag-isa." She rolled her eyes as she shampooed her hair. Babanlawan na sana niya ang ulo nito nang maglaro sa isipan ang binitiwan niyang salita.

Naalala niya ang ekspresyon ni Xibel. Kahit panandalian lang ay napansin niya ang panlalambot sa mukha nito.

Was I too much? She thought. But then immediately shrugged the thought away. "Too much, e, siya naman ang mas malala ang sinabi sa akin."

Nagpatuloy na siya sa pagligo.

Subalit nang makalabas siya at makapagbihis, hindi nawala ang mga binitiwan niyang salita at lalo lang siyang nagambala.

"Nakakainis! Ba't ako nagi-guilty?" Napakamot siya sa kaniyang buhok at pabagsak na umupo sa dulo ng kama.

Hindi niya rin naman sinasadya ang mga salitang binitiwan niya. Nadala lang din siya sa kaniyang emosyon. At ngayong naging kalmado na siya, isa-isa nang umakyat ang pagsisisi sa kaniyang puso.

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now