Kabanata 44

334 29 14
                                    

ISABELLA ran outside the room with her tear-stained face as questions still flooding her mind. Lumapit siya sa isang bintana at binuksan ang nakatakip na kurtina. Sumilid ang init ng araw dahilan para mapapikit siya. Sa 'di malamang kadahilanan, nais niyang buksan ang nilalaman ng envelope. Malakas ang kutob niyang may kinalaman iyon sa sinabi ni Drake.

Napalunok siya nang makita ang duguan niyang kamay. Totoo ngang napuruhan niya si Drake.

Kumapit ang dugo sa envelope habang binubuksan niya ito. Kinuha niya ang papel na naroroon at binasa.

Tuluyang bumigay ang kaniyang tuhod nang mabasa ang nilalaman. Nabitiwan niya ang papel at nanginginig na tinakpan ang kaniyang mukha.

"Imris is my . . . baby." Napaupo siya sa sahig at binuhos ang kaniyang paghagulhol.

Muling binuklat ng kaniyang isipan ang mapait niyang alaala apat na taon na ang nakararaan. Ang kaniyang pagsisisi kay Drake at ang hindi na mabilang na beses upang patayin lang ang bata sa kaniyang sinapupunan. Kaya ba pinalabas ni Jasia na patay na ito dahil sa kaniyang mga pinaggagawa? Natatakot ba itong kamuhian niya ang bata?

Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil hirap na siyang huminga. Hindi niya alam kung anong uunahin niya, ang pag-iyak ba, paghinga o ang pagsisisi. Pero kahit na may parte sa kaniya ang natuwa na buhay ang kaniyang anak dahil minsan niya na ring hiniling na sana nga'y buhay ito, hindi pa rin niya kayang iharap ang sarili dito.

"I don't deserve her . . ." Imris doesn't deserve her. After all that she had done, she was a terrible person, and never a deserving mother.

Tama lang ang desisyon ni Jasia na huwag itong ipakilala sa kaniya dahil paniguradong hindi rin niya ito aalagaan nang tama kung sakali mang lumaki nga si Imris sa kaniya.

But still, deep in her heart, she hoped for a change.

Now that her baby was alive, would it be too late to ask for a chance?

"Damn you, Isabella!"

Napasigaw si Isabella nang may kamay na humila sa kaniyang buhok. Namilog ang kaniyang mga mata nang makitang si Drake ito, duguan ang buong mukha at hindi na mamulat ang isa pang mata.

"Ang kapal ng mukha mong saktan ako!" His face covered with blood shadowed his emotion; he was in rage. He gritted his teeth and raised one of his arms. "If you were planning to kill me, ginalingan mo na sana. Now, ikaw ang mauunang ihahatid sa kamatayan!"

Walang pagdadalawang-isip na sinaksak ni Drake ang kaniyang tiyan sa hawak nitong patalim. Ilang segundo ang nagtagal bago niya naramdaman ang nagraragasang dugo at nanununtok na sakit. Her stomach burned in agony as she shuddered on the ground.

Tinadyakan ni Drake ang kaniyang mukha bago siya tinalikuran. "You're not pleasurable anymore."

Hinawakan niya ang kaniyang tiyan habang pilit na nilalabanan ang pagdilim ng kaniyang bisyon. Habol-habol niya ang hininga nang may masulyapan siyang pigura.

Hindi kalayuan sa kaniya ay isang bata. Her child, Imris.

"Papa! Mama!" naluluhang sigaw nito at mukhang hindi na alam kung saan papunta.

Isang mahina at madilim na tawa ang narinig niya sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan. Inangat niya ang tingin at nakangisi ito nang nakakaloko sa kaniya.

"Ah, bigla kong naalala. Ayaw mo nga pala sa aking ipakilala ang anak natin. Alam mo bang nasaktan ako ro'n?" sarkastiko nitong sabi. Muli nitong inapakan ang kaniyang mukha. "Ngayon ikaw naman, Isabella. Anong mararamdaman mo kung kunin ko ng panghabang-buhay ang anak natin?"

"N-nahihibang ka na ba?" Hinawakan niya ang paa nito. "Huwag mong idamay si Imris sa kahibangan mo!"

"Stop me, then. It's not like I care about you and that thing." Inalis nito ang paa at buong puwersa na tinadyakan ang sugatan niyang tiyan. Impit siyang napasigaw. Muntik na siyang mawalan ng malay dulot ng kaniyang pagkahilo. Hindi na rin siya sigurado kung ang kumikirot niya bang mukha o ang dumudugo niyang tiyan ang nagbibigay sa kaniya ng walang-kamatayang sakit.

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now