Kabanata 37

438 42 8
                                    

Winty's note: Hi! Thank you so much for waiting (⁠つ⁠≧⁠▽⁠≦⁠)⁠つ

JASIA woke up at dawn to ready herself for her rehearsal. Imris' class were on break, so she got to focus on her practice. Pagkalabas niya sa kuwarto, dinaanan niya si Isabella upang kumbinsihing doon muna ito manatili kina Xibel. Ayaw niyang mag-isa lang dito ang babae dahil baka may maisipan itong hindi maganda sa sarili o baka magkaroon na naman ito ng atake. Isa pa, nasaksakihan niya na rin no'ng nakaraan kung gaano kapanatag si Isabella kay Xibel kaya naman mas mainam na doon muna ang babae.

At mabuti na lang dahil pumayag ito.

Iniwan niya ito sa bahay ni Xibel bago dumiretso sa kompanya. It was still 7:30 but Ameri was already there, hugging all the space while practicing her routine.

"Good morning," bati niya rito bago umupo sa sahig at sinuot ang kaniyang pointe shoes.

Tumigil naman ito sa pagsayaw. Inirapan siya nito. "There's nothing good in the morning kaya kapag mukha mo ang nakikita ko."

Isang tawa lang ginante niya. Mukhang bumalik na ito sa dating Ameri.

"Mukhang okay ka na."

"Of course! I would never going to cry again for that man. Ew!" Lumapit ito sa kaniya habang nakapamaywang. "And guess what, Jasia? His toothpaste commercial is cancelled!"

"Oh my gosh!" Napatakip siya sa gulat na kaagad ding napalitan ng tawa.

Humalakhak din si Ameri. "Oh my gosh talaga. Deserve niya 'yon!"

Tinalikuran na siya nito at bumalik na sa routine. Siya naman ay nagtungo sa bar upang mag-warm up muna. While she was doing the basic ballet positions, she was glancing at Ameri's swift move. Her hands were like feathers, and as she glided across the room, the sound of her shoes was never brass, but rather, soothing. How did she do it?

Napansin siya nitong nakatitig. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa. "What?"

Umiling siya. "I'm just admiring how you move."

Tinaasan naman siya nito ng kilay na kaagad ding napalitan ng isang ngisi. "You should be. I'm the swiftest ballerina, after all."

She couldn't agree more. Ameri was indeed the swiftest she had seen.

"But your moves are way sharper than mine. You can adapt quick. I like that about you." Tinaas ito ang isang paa. "Love your feet too. Tough muscles right there."

Natigilan naman siya sa sinabi nito. Ito ang unang pagkakataong pinuri siya ng babae nang walang halong kahit anong pangungutya o bahid man lang ng pagmamalaki. Matapos din ng araw na sinamahan niya ito sa condominium, parang nawala na ang malaking pader sa pagitan nila.

Jasia thought that maybe this time, they could be good friends.

Naglakad papalapit si Ameri sa kaniya. "Jasia, I don't like owing anyone, especially to my rival. So if you have anything you need, tell me."

Napaisip naman siya. Wala naman siyang planong humingi ng kapalit subalit sumagi sa isipan niyang may nakatatandang kapatid nga pala itong si Ameri. At ang kapatid niyang iyon ay isang sikat na journalist.

May ideyang pumasok sa isipan niya.

Makahulugan niyang tiningnan ang babae. "Actually, I have something to ask of you."

XIBEL sat on his usual treacherous sofa as he watched the Character Restoration progress. It was now at fifty-five percent. And it was just getting faster day by day.

"Huwag kang malikot. Nakakainis na nga 'tong buhok mo sa sobrang kapal, ang likot mo pa."

His gaze towards the floor, he watched the two women banting. Isabella was busy tying Imris her into a bun.

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now