Kabanata 26

416 52 20
                                    

UMARKO ang kilay ni Xibel nang lumiwanag ulit ang singsing sa kaniyang hinliit. Hindi lang iyon dahil lumabas din ang sinulid na nagtuturo sa direksyon nito. Iniwan niya muna si Imris na mahimbing nang natutulog at lumabas.

Pagdating niya sa pintuan nang sala ay ang pagtigil din ng isang kotse. Pinagkrus niya ang mga braso at hinintay ang dalawa na makapasok.

Another woman with a loud head.

Salubong ang mga kilay niya nang pumasok na sa kaniyang isipan ang mga sigaw nito.

Bumukas na ang pinto. Naunang pumasok si Jasia at sumunod sa kaniya ang babaeng nakasuot ng makapal na mga damit. Kung gaano kaitim ang kaniyang sutana ay ganoon din ang suot nito.

Ang ekspresiyon nilang parang pinagsaklob ng sama ng loob ay nagtugma, subalit napalitan kaagad kay Isabella nang magtama ang kanilang tingin.

Namilog ang mga mata nito. "X-Xibel?"

Sinimangutan niya lang ito.

Pumagitna naman si Jasia sa kanila habang may masiglang ngiti sa labi.

"Xibel, this is your writer, Isabella." Binaling nito ang tingin kay Isabella. "And Isabella, this is your character, Xibel."

Napaawang ang bibig ng babae at kaagad na umiling. Tinuro nito ang pagmumukaha ni Xibel. "No. No. This is impossible! This monster is not real!"

His forehead tweaked. "It seems to me that you haven't seen yourself in the mirror. You are just as monstrous-looking as I am."

Tumalikod na siya. Ayaw niya itong makausap o makita man lang. Why would he like to see her presence when she was the reason he was suffering? If he had known that Jasia would bring her here, he shouldn't have helped her.

"Wait. Are you really my Xibel?" Hinawakan nito ang kaniyang braso na mabilis niya ring winaksi.

No. He didn't feel any kind of disgust. Even though she was a woman, he was her writer, and thus, the author's privilege gave her that amnesty.

"Don't touch me. You ruined my life." He glared at her. Tinaas niya ang kanang kamay upang ipakita nito ang lilang sinulid na nakakonekta sa kanila. "If you want proof, this is enough to shut that questioning eyes of yours."

Napatingin din ito sa sariling kamay. Napahiyaw ito ngunit kaagad ding napatikip. Nanginginig ang isang kamay na tinitigan ang hinliliit na may sinulid na umiilaw.

"What's wrong?" takang tanong ni Jasia. Hinawakan nito ang daliri ng babae. "Ano bang mayroon sa kamay mo?"

Sila lang dalawa ang nakakakita nito kaya hindi ito alam ni Jasia.

"A thread. There's a thread connecting us!" hiyaw ni Isabella at tinuro ang kaniyang mukha.

Hindi niya ito pinansin at tumalikod na. Babalik na lang siya sa kaniyang kuwarto. Even though he didn't feel any panic or trigger, somehow, it felt like there was still a huge hollow inside his chest. He never felt any relief seeing his creator, but rather . . . a sad feeling.

Paakyat na siya sa hagdan. Tumigil muna siya saglit at nilingon ito. Puno pa rin ng gulat ang mukha nito. The eerie aura following him because of his identity felt like it was originally from her. They were somewhat the same.

"If you have time staring at me, you better finish your novel. I am already tired waiting for five years for it to end." Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa bago umiling. "I am so unlucky to have you as my writer."

Umakyat na siya sa hagdan. Narinig niya pa itong sumigaw at may sinasabi ngunit hindi niya na ito binalingan pa ng atensyon. Pumasok na siya ulit sa kuwarto ni Imris.

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now