Kabanata 24

456 47 24
                                    

JASIA went home after a long day. Dinaanan niya ang kuwarto ni Isabella na kahit isang beses ay hindi niya pa naabutan na bukas. Hindi niya rin ito naabutan kapag kumakain dahil animo'y magkabaliktad ang timezone nila. Sa iisang bahay lang naman sila nakatira pero parang ilang taon na silang hindi nagkita.

"Isabella?" She knocked on the door, but there was no response. Baka tulog na.

Hindi na niya ito inabala dahil gabi na rin. Nagtungo sa siya sa kaniyang kuwarto para magbihis at mag-shower. Pagkatapos, patapon niyang inihiga ang sarili sa kama. Sumagi sa isip niya ang imahe ni Xibel habang nasa lawa sila kanina.

Napangiti siya nang maalala itong ngumiti. It was subtle but she saw it.

"Ngumingiti ka rin pala, why don't you do it more often." Niyakap niya ang unan habang nag-iisip kung anong puwede niyang gawin bukas. Wala siyang praktis ng tatlong araw.

Should she ask Xibel to go out again? Pero baka hindi na ito pumayag dahil sunod-sunod ang request niya.

Then should she just play with Imris tomorrow?

Mukhang iyon na lang ang gagawin niya. Wala rin naman itong pasok.

Pumikit na siya para natulog na sana ngunit pumasok sa isip niya ang sinabi ni Xibel tungkol sa orphanage kung saan nanggaling si Imris.

Nawala ang ngiti niya sa labi. Bumangon siya sa kama at kinuha ang kaniyang cell phone sa drawer.

Tinawagan niya ang kaniyang sekretarya.

"Hello, Miss Cecora?"

"May, do you remember the orphange we visied last year?" saad niya.

"Yes, miss. What about it?"

"Visit the orphanage tomorrow."

"But the orphanage is no longer operating. Ikaw rin ang nagsabi sa akin na huwag nang bumalik pa roon dahil wala nang naninirahan pa sa orpahanage na 'yon," sagot ng kaniyang sekretarya.

"I know." She sighed. She had already given up in hoping that the orphanage would open again. "But just try again. Tell me if you find something there."

"I understand, miss."

Pinatay niya na ang tawag at bumalik sa pagkakahiga. Isang taon na rin siyang naghahanap sa taong iniwan niya noon. Isang taon na ngunit wala siyang makita kahit ni katiting na ideya kung nasaan na ito ngayon o kung buhay pa ba ito.

Pero sana, sana makita na niya itong muli.

MALAPIT nang magtanghali nang magising si Xibel. Kunot-noo siyang napabangon dahil hindi niya narinig ang kaniyang alarm clock na binubulabog siya--si Imris. Lumabas na siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina.

Pagdating niya roon, si Arator lang ang kaniyang naabutan.

"Where's Imris?"

"Hindi pa siya gumising, boss lord."

"What?" Napatingin siya sa direksyon ng kuwarto nito. That was impossible. It was almost afternoon, she should have eaten her breakfast.

Maglalakad na sana siya pabalik sa itaas ngunit nakarinig siya ng tunog ng kotse sa labas. Binuksan niya kaagad ang pinto gamit ang kapangyarihan.

"Good morning, Xibel!" bati ni Jasia nang makapasok ito. Napansin nito ang nababahala niyang tingin. "Anong mayroon?"

"Imris haven't gone out in her room." He climbed up the stairs which Jasia immediately followed.

Binuksan nila ang pinto nito. Naabutan nila si Imris na nakahiga pa rin sa kama.

"Imris." Kaagad niya itong nilapitan. Nagulat siya dahil sobrang tamlay ng mga mata nito.

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now