Kabanata 7

606 37 36
                                    

WHILE sitting on his villainous sofa, he stared at the cell phone beside him. He crossed his legs as he thought multiple times if it would be appropriate to learn a thing not from his world.

"You have to do it for Imris, boss."

"Boss?" His eyes darted at Arator sitting comfortably to the opposite seat. After Zaratras taught him about the cell phone, he had been spouting unusual words. Dapat ba siyang mainsulto o hindi?

Tumayo ito habang natatawang lumapit sa kaniya. Kinuha nito ang cell phone sa kaniyang tabi at umupo. Napakalapit nito kaya siya na lang ang umusog. Hindi talaga marunong magbigay ng personal space ang nilalang na ito.

"Sorry, my lord. Ang ganda kasi ng nilalaro ko. Naimpluwensyahan tuloy ako," he said while waving the thing.

"So you can still play without seeing anything, huh?" he mumbled. Arator was really peculiar. He died at twenty yet his capabilities exceeded that of a one-hundred-year-old.

"Yes, my boss lord." He leaned on the sofa. "At kailangan mo rin itong aralin. Dahil sa totoong dimensiyon, sobrang importante nito. Halos lahat ng kakailanganin mong malaman ay dito mo mahahanap. Pati na rin sa mga gugustuhin ni Imris, puwede mo lang hanapin dito ang mga bagay na gusto niya kung sakali mang hindi mo alam."

Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatikop ang kaniyang bibig at pinakinggan si Arator.

"Kagaya na lang no'ng hiningi ni Imris kahapon na teddy bear. Nagkamali pala tayo ro'n, boss lord." Nagtipa ito sa phone. Pagkatapos hinarap ito sa kaniya. "Ito pala 'yon. Hindi pala literal na oso."

He didn't move his head and just allowed his eyes to glance at the image. It was a funny-looking bear with bulking feet. It had no claws but just large paws. Like what Imris told him, it looked fluffy.

He snorted.

Mine is still better.

"So what you say, boss lord? Deal or no deal?"

Nilingon niya ito habang nakakunot ang noo. "Stop annoying me with that way of speaking, Arator, or else--"

"I don't want to die twice." Bago pa siya makatapos ay nagsalita na ito habang nakataas ang dalawang kamay. "Magsisimula na ba ako sa tutorial, my lord?"

It took him a while to respond. His subconscious was screaming not to do it for it would be an insult on his part. Why would he, a necromancer, do something for the sake of other people? His only task was to collect souls, nothing more.

But then again, he had taken the responsibility of Imris. He promised himself to take care of her until he finds her real parents. And it seemed that learning to use the small rectangular thing was part of his responsibility.

"Fine."

"Ayon! Bibigay ka rin naman pala, boss lord--" Hindi nito natapos ang sasabihin nang mapansin ang nakamamatay niyang tingin. Tumikhim ito at umupo nang tuwid. "I mean, let's start now, my lord."

Kagaya ng sinabi nito, sinimulan na siyang turuan kung paano gamitin ang cell phone. Kung saang parte ng screen ang puwede niyang pindutin at kung anong tawag sa mga bagay na nakahilira sa screen. Hugis kahon ang mga ito at may iba't ibang kulay. Sa ibaba ay mga letrang bumubuo ng mga salita.

"Ang tawag diyan ay mga app. Ang sa baba ay kung anong name ng app. Kung may gustong panoorin si Imris, pumunta ka lang dito." May pinindot itong app na kulay pula. "Tapos dito mo ititipa sa search bar ang gusto niyang panoorin. Pagkatapos i-click mo ang enter bar ng keyboard. Okay ba, Lord Xibel?"

Tumango lang siya.

Nagpatuloy pa si Arator sa pagtuturo. Tumagal ito ng limang oras. At sa bawat oras na iyon, ilang beses din siyang humingi ng pahinga dahil pakiramdam niya'y sasabog na ang utak niya sa mga kailangan niyang aralin.

Virgin Villain (The Villain Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon