Kabanata 46

264 27 10
                                    

Winty's note: Hello, everyone! I'm sorry nawala na naman me. Last week lang me nakalabas ng hospital huhu. Will finish this this week since dalawang chapter na lang ang natitira. Thank you so much for waiting!

A WEEK had passed and Jasia's feet had been healed thanks to Xibel's coriar. It didn't even leave a scar or a trace of an injury. However, the trace of what happened that day remained as she found out that Isabella have known the truth about Imris.

Kasalukuyang nasa loob siya ng kuwarto kasama ang pinsan, habang si Imris naman ay nakaupo sa kama at papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa, nagtataka kung bakit niya pinatawag ito.

"Isabella," tawag niya rito na tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Imris. Dahan-dahan siyang umupo sa kama. "Galit ka ba? I'm really sorry for keeping the truth about Imris."

Isabella hugged her knees and didn't spare her a glance. "I understand. Siguro natakot ka na baka kamuhian ko ang bata. Kung iisipin ko ang sitwasyon dati, mukhang ganoon nga ang gagawin ko sa kaniya kaya mukhang tama lang siguro ang ginawa mo."

Hindi siya nakasagot agad. Iyon nga ang rason kung bakit nilayo niya si Imris, dahil ayaw niyang maalala pa ni Isabella ang nakaraan. Subalit, may isa pa siyang bagay na iniinda. Hindi niya nagawang panindigan ang desisyong iyon.

Binitiwan niya rin si Imris.

"Actually, Isabella, hindi sa akin lumaki si Imris." Nilingon niya ang batang tahimik lang na nagtataka sa usapan nila. Inabot niya ang pisngi nito. "I'm sorry, Imris. I left you in that orphanage."

"Kay Mama Lisa?" takang tanong nito.

Alam niyang hindi na naalala pa ni Imris iyon dahil siya pa lang ay isang sanggol kaya tumango na lang siya. If it wasn't for her selfish decision, Imris might have not endured all of those pain. And she wanted to make up for it.

"Pinamigay mo siya?" tanong din ni Isabella, ngunit sa pagkakataong ito ay nakatitig na ito sa kaniya.

"My plan was to raise her, pero inunahan ako ng takot. I'm afraid that I'll lose my career because of her kaya iniwan ko siya." She sighed. "Pero kalaunan, kinain ako ng konsensya. Hinanap ko siya at hindi ko inaasahang makikita ko siya rito."

"I see. No wonder hindi rin kita natunugang may inaalagang bata," mahinang saad ni Isabella habang pinaglalaruan ang sariling daliri. "To be honest, hindi ko rin alam ang sasabihin ko. I also have a lot of things to apologize for." She looked at Imris.

"D-do you hate her?" Jasia asked.

Tumigil ng isang minuto bago nakasagot si Isabella. Naluluha ang mga mata nitong umiling. "I can't hate her. She didn't do anything to me."

When Isabella let those words go, a flush of relief patted her heart. She badly wanted to introduce Imris to her but was held back because of this very reason. She hoped for them not to end worse, and now, her heart was happy to hear that Isabella have gone forward too.

"Mama." Napunta ang tingin niya kay Imris nang bigla nitong hawakan ang kaniyang braso. Lumapit ito sa kaniya at saka bumulong. "Why is Ate crying? Are you my real mama?"

Ngumiti naman siya bago umiling. "No, Imris." Tinuro niya si Isabella. "She is your real mother."

Napabitiw naman si Imris sa kaniya at napatitig sa umiiyak na si Isabella. "You're my mama?"

Dahan-dahan namang tumango si Isabella habang pinapahid ang sariling mga luha.

Kaagad na napatakip si Imris sa kaniyang bibig. Rinig niya ang pagsinghap nito habang binalik ang tingin sa kaniya, saka kay Isabella, at sa kaniya na naman ulit. Ilang saglit ay bigla itong napatalon, bakas sa mukha nito ang tawa.

Virgin Villain (The Villain Series 2)On viuen les histories. Descobreix ara