CHAPTER 1

3.2K 40 0
                                    

Acacia's POV


“What's with the sudden approached huh, Aca?” kumunot ang noo nito habang mariing nakatingin sa akin. Napanguso ako. Napaka-sungit talaga ng lalaking 'to tsk!

“Bakit ba ayaw mong nilalapitan kita?” nakanguso kong tanong sa kaniya

“Dahil mahilig ka sa gulo. Ayokong madamay” malamig nitong sagot saka sumandal sa sandalan ng upuan niya. Padabog naman akong umupo sa tabi niya

Mabuti na lang at kaming dalawa pa lang dito sa room. Walang makakarinig ng pinag-uusapan namin

“Pumayag ka na kasi Asi, Wala na mang ibang nakakaalam na magpinsan tayo eh!” pangungulit ko. Sinabi ko Kasi sa kaniya na gusto ko ng mag-move on kay Deron at gusto ko na tulungan niya ako in a way na magpapanggap kaming dalawa

“No!” matigas nitong sagot bago pumikit

“Pinsan naman eh! Kahit 2 months lang. After 2 months titigil na tayo dahil sasama na ako kay Papa sa America” Saad ko pa. Bigla naman siyang dumilat at tumingin sa akin ng seryoso

“You will go with him?” kunot noo nitong tanong. Tumango naman ako. Balak ko na kasing pumayag sa kagustuhan ni Papa na doon na ako tumura sa America kasama siya. Doon ko na rin balak na palakihin ang magiging baby ko

“Why?” nagtaka naman ako sa itinanong niya

“Anong why?” my left brow raised. Umayos naman ito ng pagkaka-upo at tumingin sa mga mata ko ng diretso

“Papayag ako sa gusto mo. Just don't leave! I don't want you to leave, Acacia” sagot nito na ikinatigil ko

——————————

“So, pumayag talaga si Asi, as in?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Broc matapos kong ikwento sa kanila ni Mac 'yung nangyari kaninang umaga. Tumango ako sa kaniya bago sumipsip sa buko juice ko.


Narito kaming tatlo ngayon sa Cafeteria at nag-memeryenda

“Sinabi mo rin ba ang tungkol diyan sa sitwasyon mo?” tanong naman ni Mac

“Hindi. Kayo pa lang napagsasabihan ko” Wala pa akong balak na ipaalam kay Asi ang tungkol sa pagbubuntis ko. Kapag nalaman niya ay siguradong lagot ako. Alam din nila Broc at Mac na magpinsan kami ni Asi.

“What if malaman ni Deron? Anong gagawin mo?” kinunotan ko ng noo si Broc

“Hindi niya malalaman kung walang magsasabi. And besides, sigurado akong wala siyang maalala na may nangyari sa amin dahil lasing na lasing siya noong gabing 'yon” Saad ko. Wala siya sa katinuan that night dahil sa ecstasy na nakahalo sa ininom niya. Kaya panatag akong hindi niya malalaman ang tungkol sa nangyari sa amin noong gabing 'yon

“Pero sure ka na ba talaga na aalis ka?” may bahid ng lungkot sa boses ni Macarine.

“Hmm. Hindi ko naman kayang palakihin mag-isa itong magiging baby ko. I need someone's help, and that someone is my Dad” sagot ko kay Mac. Simula ng maghiwalay si Mama at Papa ay nag-migrate na si Papa sa America. Si Mama naman ay walang pake sa akin dahil may iba na siyang pamilya. I'm living with my own sa isang maliit na apartment sa Tondo. Pinapadalhan naman ako ni Papa ng pera para sa pag-aaral ko, then 'yung mga gastusin ko sa apartment ko ay ako na ang gumagastos. Nag-pa-part time ako bilang janitress sa isang hotel every weekend. Okay naman yung sahod, sapat na para sa pang-araw-araw kong gastusin.


“Kahit ano pang maging desisyon mo. We'll support you, mamci”


Napangiti na lang ako sa sinabi ni Broc. I really love these two. Para ko na rin kasi silang kapatid. They were always there whenever I needed them.

Ignoring The Father Of My BabyOn viuen les histories. Descobreix ara