CHAPTER 3

2.2K 32 0
                                    

Acacia's POV



“Say ahh” muling itinapat ni Asi ang kutsara nitong may lamang soup sa bibig ko. Mabilis ko namang ibinuka ang bibig ko at isinubo iyon


Parang tanga lang ang lalaking 'to. Kanina pa kasi siyang ganiyan. He's feeding me na parang isa akong bata na hindi marunong kumain mag-isa. At syempre sinasakyan ko na lang para talagang maniwala sina Tita na Fiancé ko nga siya. Ramdam na ramdam ko nga ang mga tingin nila sa amin.

Ang tahimik nila, hindi ako sanay. Lalo na sina Dash at Dimitri. Dati kasi sa tuwing kasama nila akong nagdi-dinner ay kung anu-ano pinagsasabi nila sa akin. Umiingay ang hapag dahil sinsaway sila ni Tito at Tita, samantalang ngayon, wala akong marinig ni kahit ano sa kanilang dalawa.

Sinulyapan ko sila ng tingin at nahuli kong nakatingin din pala sa akin si Dimitri. Tinaasan ko siya ng kilay. Siya na rin ang naunang nag-iwas at kumain na lang. Sunod kong tinignan si Dash na tahimik lang na ngumunguya. Nakakapanibago ha! Ang tahimik ng dalawang demonyo. Sinadya ko ring sulyapan si Deron na nahuli kong nakatitig rin sa akin ng masama. Problema niya? Inirapan ko na lang din siya dahil hindi ko talaga feel ang itsura ng mukha niya. Ayaw talaga sa kaniya ng baby ko.

“Ehem! So uhmm.....what's your plan after your wedding, hija” tanong ni Tita ng matapos na kaming kumain. Uminom muna ako sandali ng tubig bago siya sinagot

“Plano naming sa America na po manirahan Tita, kasama ng papa ko” Simpleng sagot ko

Iyon na kasi talaga ang Plano ko. Doon na ako titira kasama si Papa. Nakausap ko na rin kasi siya last time at sabi niya na excited na daw si Tita Anna ( asawa niya ) na tumira ako kasama nila.

“America? You mean, you'll stay there na for good?” there's a sadness in her voice. Tipid akong ngumiti bago tumango

“Hindi ka na po ba namin makikita ulit, ate Caca?”

Hinarap ko naman si Dariel na nasa tabi ko. Malungkot ang Mukha nito gayon na din si Demiel. Itinungo ko ng kaunti ang mukha ko para makapantay ang Mukha niya

“Bibisitahin ko pa rin naman kayo every vacation, kaya wag na sad, okay?” saad ko. Sabay naman silang tumango pero malungkot pa rin ang mga mukha nila

“Mukhang wala na talagang pag-asa na maging kayo ng Anak ko. Gusto pa naman kita para sa kaniya”

Napatingin naman ako kay Tito Waze ng magsalita siya. Hindi ko lang masiyadong narinig yung sinabi niya dahil bukod sa medyo may kalayuan ang pwesto niya sa akin ay pabulong niya lang ding sinabi 'yon. Gusto ko sanang tanungin kong ano 'yung sinabi niya, kaya lang tinatamad ako


Marami pa silang itinanong sa'min-I mean kay Asi pala. Binaha nila ng tanong si Asi specially yung tatlong Kuya ni Deron. Sinasagot naman sila ni Asi ng kasinungalingan haha. I'm so proud of my cousin na talaga. He's a good liar

“So, do you really love our Aca, huh?” Si Kuya Dwight. Humarap naman sa akin si Asi at ngumiti ng pagkatamis-tamis bago sumagot

“I do. I love her with all my heart” he answered. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil napaka-galing niyang umarte. Gosh! Magkano kaya ang singil ng lalaking 'to pagkatapos ng pagpapanggap niya

“How about you, Aca?” si Kuya Drace naman ang bumaling sa akin

“I don't love him yet. Pero matutunan ko rin naman siguro siyang mahalin lalo na kapag kinasal na kami” sagot ko. Bigla namang padabog na tumayo si Deron kaya nakuha niya na naman ang atensiyon ng lahat

“Where are you going, Deron?” tanong ni Tita sa kaniya

“Room” Maikli at may bahid ng lamig nitong sagot saka tumalikod at nagsimulang maglakad

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now