CHAPTER 17

1.8K 60 1
                                    

“MAMCI! JOIN US!” sigaw ni Broccoli na nasa dagat kasama sina Macarine at ang apat na bata

“LATER!” sigaw ko pabalik saka kumaway


Narito lang kasi ako sa shore at nakaupo sa buhangin. Wala pa kasi ako sa Mood maligo dahil parang nilalamig ako. Okay na ako na pinapanuod lang sila. Naghihintay din ako ng sunset dahil malapit na.


Wala si Asi ngayon sa tabi ko dahil kasama siya ni Tito Waze, meron daw silang gagawin na hindi ko alam kung ano. Si Tita naman ay nasa loob at inihanda yung mga sangkap para sa gagawin naming ihaw-ihaw mamayang gabi. Yung ibang mga lalaki naman ay nag-iinuman na. At si Deron, ewan. Magmula ng naging eksena namain sa kwarto kanina ay hindi ko pa siya ulit nakita. Hindi nga siya sumabay sa tanghalian namin kanina. Sabi ni Tita ay nagmumuk-mok daw sa silid niya. Pero pake ko ba sa lalaking 'yun tsk!

“Why don't you join them?”

Napatingin ako sa taong nagsalita. Mabilis na napataas ang kilay ko ng umupo ito sa tabi ko. Anong kailangan ng isang 'to at kinakausap ako?

“I like you too, Acacia. Kaya hindi mo na kailangan pang mag-move on. We can be together” aniya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata

“Alam mo,” saglit akong tumigil sa pagsasalita at umikot ng upo paharap sa kaniya. Inabot ko ng dalawa kong kamay ang Mukha niya at saka hinaplos “Kahit anong gawin mo, kahit kagayahin mo pa ng todo todo ang kilos at pananalita ng kapatid mong jerk, hinding hindi mo ako maloloko kaya tumigil ka!” dagdag ko saka ko pinisil ng pagka-diin diin ang pisngi niya. Yung may pang-gigigil talaga

“Awwfuckletgoawwwshit!” Hindi niya malaman kung paano niyang tatanggalin ang mga kamay ko sa pisngi niya. Napangisi ako.

“Huwag mo kasi akong bine-bwesit ha, baka hindi lang pisngi mo ang pigain ko” pinanggigilan ko pa sandali ang pisngi niya bago ko binitawan. Ang gago e, alam niya na ngang hindi niya ako mauuto, sumige pa tsk!


Gawain nilang dalawa 'to ng kakambal niya kahit noon pa. Kunwari magpapanggap silang si Deron tapos sasabihin nilang gusto rin nila ako, pero dahil kilala ko sila kahit na iisa lang talaga ang Mukha at kulay ng balat nilang tatlo ay hindi nila ako naloko. Iba kasi yung dating ni Deron sa akin dati. Makita ko pa lang kasi siya noon ay grabe na kung kumabog yung dibdib ko, unlike them na inis agad ang maramdaman ko


“Fuck! Balak mo ba akong tanggalan ng Mukha ha!” Singhal nito sa akin habang hinihimas ang mga pisngi niya na namumula na. Inirapan ko siya

“Kung pwede lang, why not? Ang pangit pangit mo kasi” sagot ko saka muling ibinalik ang mga mata ko sa mga bata na masayang nagbabasaan ng tubig

“Bakit ba napaka-sungit mo sa akin? What did I do that made you hate me that much?” tanong niya. Muli ko siyang hinarap


“Ay? Nagka-amenesia? May Alzheimer's gano'n?” I sarcastically said. Napaka-gago lang talaga tsk!

“I didn't do anything bad to you, except sa binubully kita. That was just for fun, yah know” he shrugged his shoulders. For fun? Really?


“Fun fun mo Mukha mo! Ano ba kasing ginagawa mo rito sa tabi ko, ha?” singhal ko sa kaniya. Naaalibadbaran talaga ako sa presensya niya. Hindi ko siya feel


“Wala lang. I just want to make things up between you and me. Pwede naman siguro akong makipag-usap sa'yo ng seryoso, right?”

“Ay huwaw! Isang Dimitri Wanzer Escoffier kakausapin ako ng seryoso? Ay wow lang talaga!” inirapan ko siya


Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now