CHAPTER 4

2.1K 37 0
                                    

Acacia's POV

*yawn*

Kanina pa ako hikab ng hikab magmula ng pumasok ako kaninang umaga. Hindi naman ako puyat pero antok na antok ako. Nanghihina din ang katawan ko dahil sa pagsusuka ko kaninang umaga.

“Ayaw mo bang mag-snack, mamci?” tanong sa akin ni Broc. Bagot na umiling na lang ako sa kaniya

“Tinatamad akong maglakad. Ang layo ng cafeteria e, kayo na lang” sagot ko bago dumok-dok sa desk ko

“Sige. Ibibili ka na lang namin ng meryenda mo” Saad ni Macarine bago ko narinig ang mga yabag nilang papaalis.

Gusto ko na lang matulog kaya lang hindi pwede dahil malapit na ang exam namin. Kailangan kong mag-seryoso dahil dalawang buwan na lang ay graduation na.

“Here”

Inangat ko ang ulo ko para tignan ang taong nagbaba ng kung ano sa desk ko. Si Asi lang pala. Umayos ako ng pagka-ka-upo at tipid siyang nginitian

“Salamat” mahinang saad ko bago kinuha ang sandwich na bigay niya, may kasama ring isang bottled water.  Umupo siya sa tabi ko

“Siya nga pala, ikaw ba naghatid sa akin sa kwarto ko kagabi?” tanong ko ng bigla kong maalala na pag-gising ko kanina ay nasa kama ko na ako. Ang huling natatandaan ko ay sa kotse ako ni Deron nakatulog, hindi ko matandaan na bumaba ako. Sumeryoso naman ang Mukha niya


“Yeah. Why? Did you expect him to carry you to your room?” seryoso nitong tanong. Mabilis naman akong umiling. Hindi ba pwedeng na-curious lang ako. At ano daw? I'm expecting na si Deron ang nagdala sa akin sa kwarto ko? Like hello! Hinding hindi 'yun magpapaka-pagod para sa akin. Bigla tuloy akong nawala sa mood

Hindi ko na lang siya inimik at kinain na lang ng tahimik 'yung binigay niya. After somes minutes ay bumalik na rin sina Mac at Broc na ibinili rin pala ako ng meryenda. Kinain ko na rin dahil parang gutom na gutom ako.

“Guys, magpalit daw kayo ng P.E uniform sabi ni Sir Echivarri, then pumunta daw lahat sa gym. Maglalaro daw tayo ng basketball as part of our activity, kalaban natin ang Section A-1” Anunsyo ni Beatrice, ang Class president namin. Nagsi-ingay naman ang lahat, specially yung mga babae. Kinikilig pa ang ilan dahil makikita daw nila ang OREOS.

Basketball? Kalaban ang section A-1? Ang section ng mga mayayabang at mapagmataas na mga lion at higad?

“Halika na Aca” Aya sa akin ni Broc. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Asi.

“Mauna na kayo. Sabay na kami” Saad nito na ikinatigil ng dalawa. Naiiling na lang ako. Maya-maya'y ngumiti ng nakakaloko ang dalawa. Lumapit sa akin si Mac saka bumulong “Kinakareer na ni Asi ang pag-arte ah”

Natawa na lang ako sa ibinuking niya “Hayaan mo siya” sagot ko na lang

Nauna na silang lumabas ni Broc dahil hinintay ko pa si Asi na tapusin ang pagliligpit ng mga gamit niya. Ng matapos siya ay sumunod na rin kami sa iba. Sa gym na rin kasi ako magpalit dahil nandoon ang P.E uniform ko. May locker din kasi ako sa gym dahil dati akong volleyball player. Nag-quit lang ako last week

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Asi ang kamay ko ng malapit na kami sa gym.

“Just hold my hand, okay?” aniya. Tumango lang naman ako. Go with the flow na lang ako haha. Alam ko naman aakting na naman siya dahil makakasama na naman namin si Deron

Pagkarating namin sa gym ay dumiretso kaming dalawa sa Locker area. Magka-iba ang locker ng girls at boys, baka kasi isipin niyo na magkasama e. Nagpalit lang ako ng pants, hindi ko na pinalitan yung blouse ko dahil hindi rin naman ako maglalaro. Alangan namang mag-basketball din ako e buntis ako, baka mamaya mapaupo or madulas pa ako diyan, mapahamak pa baby ko. Magdadahilan na lang siguro ako kay Sir mamaya para hindi niya ako paglaruin.

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now