CHAPTER 29

1.2K 36 1
                                    

“Pwede kang matulog dito sa kwarto ni Asi. Dalawa lang kasi ang kwarto dito sa Apartment ko” Saad ko saka binuksan ang pintuan ng kwarto ni Asi na katabi lang din ng kwarto ko

Good to know that you have separated rooms” Bulong nito. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay

“Anong binu-bulong mo diyan?” mataray kong tanong


“Nothing. Is he not here?” tanong nito. Ang sarap niyang pilosopohin

“Do you see him here?” I sarcastically asked

“No” he answered. I mentally rolled my eyes

“O edi wala! Ugaling Filipino ka talaga e noh? Kahit obvious na magtatanong pa tsk!” asik ko sa kaniya. He smiled shyly

Napailing na lang ako saka naunang pumasok sa loob. Asi is not here, umuwi siya sa kanila. Habang nasa restaurant ako kanina ay nag-text siya sa akin, kanina ko lang nabasa noong nasa kotse na ako ni Deron at pauwi na kami dito. He texted me na hindi daw siya dito matutulog dahil tumawag ang Daddy niya kanina at meron daw silang pag-uusapan. Mabuti na nga lang din at wala siya dahil may pagtutulogan si Deron.

“Uhm, I don't like in here. The ambiance is very....him?” Ani Deron. Pinangunotan ko siya ng noo


“Saan mo gusto? Sa Salas? O edi doon ka lang. Daming Arte!”

“How about in your room. It's better there, you know” suhestiyon nito na siyang ikinataas ng kaliwang kilay ko

Sa kwarto ko? ABA! Namili pa talaga ang j*rk na 'to tsk!


“Baka gusto mong palayasin kita ngayon na! Pumayag na nga ako na dito ka magpalipas ng gabi tapos mag-iinarte ka pa. Kung ayaw mo dito sa kwarto ni Asi, umuwi ka na lang”

“Kidding. I'm fine here” mabilis nitong sagot saka humiga sa kama ni Asi. Napabuga na lang ako ng marahas na hangin.

“Ge na. Matutulog na ako. Masama sa baby ko ang mapuyat ng husto” Paalam ko dito


“Wait” Bumangon siya at lumapit sa akin.

“Pwede ba akong humingi ng good night kiss kay baby?” anito. Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na itong pumantay sa tiyan ako at humalik doon. Sa sobrang pagkabigla ko ay na-speechless ako

“Good night baby. Hope to see you and your mom in my dream” anito saka hinaplos ng marahan ang aking tiyan. Makailang beses akong napalunok ng makaramdam ako ng kakaibang kiliti dahil sa paghaplos niya. May suot naman akong damit pero damang dama ng balat ko yung init ng palad niya.

Tumayo siya ng maayos kaya napatingala ako sa kaniya. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa ginawa nitong paghalik sa tiyan ko ay muli na naman akong napatulala ng maramdaman ako ang malambot na bagay na dumampi sa noo ko


“Good night, mon amour”

*You belong with meee....*
*You belong with me*

Mabilis ko siyang naitulak palayo sa akin ng mag-ring ang cellphone na nasa bulsa ko.


Kaagad ko itong kinuha sa bulsa ko saka lumayo ng kaunti sa kaniya para sagutin ang tawag.


“Hello”

( “Nakauwi ka na ba? Sorry kung hindi na kita nasundo. May naging emergency Kasi dito sa bahay” ) it's Asi

“Oo. Kakauwi ko lang. Don't worry, safe naman akong nakauwi” sagot ko saka ko tinignan si Deron na nakasimangot na ang Mukha. He even mouthed something na hindi ko naintindihan

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now