CHAPTER 27

1.1K 35 3
                                    

'I am your daughter's boyfriend'
'I am your daughter's boyfriend'
'I am your daughter's boyfriend'

Magmula pa kanina ng binitawan niya ang mga salitang iyon ay ayaw ng lubayan ang isip ko. Paulit-ulit na lang na nag-p-play sa utak ko.

Gad Acacia! Ilang minuto na ang nakalipas magmula ng binitawan niya ang mga salitang 'yon hindi ka pa rin nakaka-get over? Eh kasi naman, kahit na sinabi niyangahal niya ako ay hindi naman ako naniniwala, pero yung sabihin niya sa harap mismo ng Papa ko at ng parents niya na boyfriend ko siya? Masiyadong nakaka—argh l*ntek na lalaki kasi eh!

“So, what brings you here, Mr. Escoffier? I only asked for your son's presence. I didn't expect you all came here.”

Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Papa. Nagulat pa ako ng makita kong nasa loob na kami ng VIP room dito sa restaurant. Sa sobrang pagkatulala ko yata ay nakalimutan ko na ang naging paglipat namin dito kani-kanina lang.

Sa pagkaka-alala ko ay si Tito Waze ang nag-aya sa amin dito kanina. Ang sabi niya ay may pina-reserve siyang VIP room para sa amin para daw kasya kaming lahat. Ngayon ko lang din nalaman na may VIP room sa restaurant na ito at ang isa pang ikinagulat ko kanina ng malaman kong si Kuya Draviz ang may-ari nito

Papa also introduced my two brothers to them at pati na rin yung lalaking pula ang buhok na Canther Scott pala ang pangalan. Ang lalaking gustong ipakasal sa akin ni Papa

“We're here for Acacia and for our son, and aside from that, we also want to meet our future balae” Sagot ni Tita sa tanong ni Papa. Tinignan ko kung ano ang magiging reaksiyon ni Papa. Seryoso lang siya.

“Are you aware about my daughter's pregnancy?” si Papa. Why do I feel na parang may rudeness sa way ng pananalita niya.

“The truth is, we just found it an hour ago. Kanina lang sinabi ng anak ko sa amin about Acacia's pregnancy. Kaya nga sumama na rin kami rito para mapag-usapan kung ano ang magiging plano para sa kanila.” Mahinahong sagot ni Tito Waze.

“Make it straight to the poin, Mr. Escoffier. Kung nagpa-plano kayo na ipakasal silang dalawa, well....sorry to say but I will disagree,” Saad ni Papa saka saglit na sumulyap sa akin “I already have plans for my daughter, and marrying your son is not  included” Dagdag nito bago muling ibinalik ang tingin kila Tito

Tinignan ko ang naging reaksiyon ni Tito. Kalmado lang siya at ganoon na rin si Tita

“I want my daughter to have a better future, and only Mr. Scott will give her that” Muling saad nito saka tumingin doon sa lalaking pula ang buhok na tahimik lang. Biglang nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi niya

“So, you're saying na hindi ko kayang bigyan ng magandang kinabukasan ang mag-ina ko, gano'n po ba?” Sabat naman ni Deron kaya napunta sa kaniya ang atensiyon ng lahat.

Honestly, gusto kong sumabat sa usapan kaya lang parang may pumipigil sa akin. Ayaw rin makisama ng tapang ko ngayon. Kahit nga yung mga Kuya ko at mga Kuya ni Deron ay tahimik lang, hindi sila nakikisali sa usapan, pero si Dashwen napapansin ko ang masama niyang pagtitig doon kay red hair.

“You impregnated my daughter TOO early, now tell me hijo.....is that your way of giving her a better future?” Kalmadong bwelta ni Papa na talagang in-emphasized pa ang word na too. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao niya na nakapatong sa lamesa. Sa ganitong inaasal niya, mukhang hindi niya gusto si Deron

Biglang natahimik si Deron. Sabay namang napa-buntong hininga sina Kuya Dwight at Kuya Draviz kaya saglit na nabaling ang atensiyon ko sa kanila. They both shrugged their shoulders when they saw me looking at them. Kinunotan ko na lang sila ng noo saka muling bumaling kay Deron ng muli siyang magsalita

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now