CHAPTER 18

1.6K 64 10
                                    

Third Person's POV

Paglabas ng kwarto ay kaagad na dumiretso si Deron sa kanilang kusina. Binuksan nito ang Fridge at ang Freezer upang maghanap ng paa ng manok. Nahalungkat na nitong lahat ng mga Karne ngunit Wala ni isang paa ng manok itong makita

“Tangina! Saan ako maghahanap ng paa. Bakit kasi paa pa ng manok ang gustong kainin ng babaeng 'yon!” inis nitong reklamo habang ibinabalik lahat ng Karne na inilabas mula sa freezer. Pagkatapos ay muli itong pumanhik sa itaas at bumalik sa kwarto niya. Pagpasok nito ay nagulat pa ito ng makitang nginangatngat ni Acacia ang unan nito

“Asan na paa ng manok ko?” excited na tanong ng dalaga

“I can't find any. Iba na lang ang kainin mo” sagot naman ni Deron

“Ayaw! Sinabing paa ng manok gusto ko at ng baby ko e! Palabasin mo na kasi ako rito. Mabuti kung si As—”

“Shut up! I told you not to mention that name.” tiim bagang na saad nito. Napairap na lang ang dalaga

“Kanina pa ako nagugutom! Gusto ko ng paa ng manok!”

“Putangina naman kasing paa ng manok yan e!” Iritadong bulong ni Deron bago kinuha ang jacket sa kaniyang cabinet

“Open this goddamn fucking door!” Singhal nito sa pinto na kaagad rin namang bumukas. Padabog itong lumabas at dumiretso sa ibaba

“Siraulo” naiiling na bulong na lang ng dalaga saka muling humilata sa kama at ibinalik ang unan sa kaniyang bibig

Iritadong binaybay ni Deron ang daan palabas ng glasshouse at dumiretso sa bahay ng Care taker nilang si Sinn.

“Mang Sinn?” Makailang beses siyang kumatok sa pintuan ng bahay ng mga ito at pagkalipas lamang ng ilang minuto ay bumukas ang pinto. Bumungad ang matandang nasa mid 50's na nagkusot ng mga mata

“Sir Dimitri, kayo ho pala” Ani matanda

“Si Deron ho ako” pagtama niya rito. Kahit matagal na nilang katiwala ang matanda ay lagi pa rin itong nalilito sa kanilang tatlo. Gulat naman ang naging reaksiyon ng matanda. Madalas kasi ay si Dimitri lamang ang lumalapit sa kaniya, kaya ang akala niya ay si Dimitri ito

“Ay pasensya na ho Sir Deron. Akala ko ho ay kayo si Sir Dimitri. Ngayon lang ho kasi kayo lumapit sa akin”

“It's fine. Anyway, Pwede ko ho ba kayong maistorbo sandali” Ani Deron

“Sige po. May kailangan po ba kayo? Pumasok na ho muna kayo at malamig diyan sa labas” Aya ng matanda. Umiling naman kaagad si Deron

“No need. Magtatanong lang naman po ako. Saan po ba ako makakakuha ng paa ng manok?”

“Paa ho ng Manok?” Gulat na tanong ng matanda. Tumango naman si Deron

“Naku Sir, Wala ho tayong pagkukunan ng paa ng manok ng ganitong oras at nasa Isla pa ho tayo” Nagkamot ng batok ang matanda.

“Wala po bang malapit na Isla na pwedeng mapagbilhan?” tanong ni Deron

“Meron ho sa kabilang Isla, pero hindi ho ako sigurado kung bukas pa sila ng ganitong oras. Aanhin niyo ho ba ang paa ng manok?” Bakas ang kuryosidad sa boses ng matanda. Bakit nga naman kasi maghahanap ng paa ng manok ang binata ng ganitong oras

“Ipapakain ko sa alaga kong buwaya” seryosong sagot ni Deron na ikinasamid ng matanda kahit wala naman itong iniinom

“Buwaya ho?” Hindi makapaniwala nitong tanong

“May buwaya sa kwarto ko. Gutom na” bagot na sagot ni Deron

“Bakit ho kayo naglalagay ng buwaya sa kwarto ninyo Sir, delikado ho iyon. Baka ho kayo ang kainin nun”

Ignoring The Father Of My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon