CHAPTER 28

1.4K 38 5
                                    

“Drink this”

Napaangat ako ng tingin ng iniabot nito sa akin ang isang bote ng tubig na kaagad ko ring kinuha at nagpasalamat sa kaniya. Ibinalik ko ang tingin ko sa madilim na parte nitong park kung nasaan kami. Siya naman ay umupo sa tabi ko.

“Are you feeling better now?” tanong nito. Bakas sa tono nito ang pag-aalala. Isang tango lang naman ang isinagot ko.

Pagkatapos kong iiyak lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko kanina ay kahit papaano naman ay gumaan na ang pakiramdam ko. Mabuti na nga lang at hindi naapektuhan ang baby ko dahil ma matindi kong pag-iyak. Masama pa naman daw ang umiyak ng umiyak ang mga buntis dahil baka maka-apekto sa baby nila. Hindi ko lang kasi talaga kinaya yung sakit na nararamdaman ko dahil sa Papa ko kaya nag-break down na ako.

Buong akala ko pa naman ay magiging masaya at buo ako sa oras na makaharap at makasama ko na siya sa personal, hindi ko akalain na kabaliktaran pala ang mangyayari. Hindi ko naman kasi akalain na mukhang pera pala ang Papa ko.

“Are you still thinking about on what happened earlier?” tanong nito. Tumango na lang ako sa kaniya

“Don't worry, I won't let that happen. Gagawa ako ng paraan para hindi ka ipakasal ng Papa mo sa lalaking 'yon” seryosong saad nito kaya napatingin na naman ako sa kaniya. Napatitig ako sa mga mata niyang puno ng pag-aalala. Mga matang hindi man lang ako magawang tignan noon. Ngunit bakit kakaiba na ang mga matang iyon ngayon?

Ayaw ko mang pansinin at aminin, pero marami talaga ang nagbago kay Deron. Basta simula ng sinabi ko sa kaniya yung pagbubuntis ko ay parang doon siya nagsimulang magbago.

“You okay?”

Nabalik ako sa ulirat ng muli itong magsalita. Hindi ko man lang namalayan na masiyado na pala akong napatitig sa mga mata niya. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya at ibinalik sa harap kung nasaan ang mga bulaklak

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Binuksan ko ang mineral water na ibinigay nito saka uminom ng kaunti

“Bakit napaka-unfair ng buhay para sa akin? Bakit napakamalas ko sa pamilya, sa mga taong pinaglalaanan ko ng pagmamahal ko?” tanong ko saka muling bumaling sa kaniya

“You're not, Acacia. Isipin mo na lang na para lang itong pagsubok” sagot nito

“Pagsubok? Buong buhay ko na ngang pinagdadaanan at naranasan ang mga pagsubok na 'yan, hindi pa rin ba sapat?”

“Life is full of hardships and trials. All you have to do to overcome it is to become a strong person, and that is what you are. A brave and strong woman that I have ever met” anito.

Strong? Brave?

Hindi ko alam kung matatawag ko ang sarili ko ng ganiyan.

“Madali para sa iyo na sabihin 'yan dahil hindi mo naranasan ang mga naranasan ko. Hindi mo napagdaan ang mga napagdaanan ko. Tapos yung nag-iisang magulang na meron ka e, ginagawa ka pang parang bagay. Ikaw, masuwerte ka. Mayroon kang pamilya na katulad ng pamilyang pinapangarap ko. Mayroon kang mapagmahal at supportive na Ama, matapang pero maalagang Ina at mga kapatid na handa kang samahan kahit sa impyerno pa 'yan” I smiled bitterly. Bigla kasing bumalik sa isip ko lahat ng mga pinagdaanan ko simula noong bata pa ako.

“Alam mo ba noong bata ako. Madalas akong makaramdam ng inggit sa mga kakalase ko na kompleto ang pamilya. Kapag family day o may mga event sa school, present lagi yung Mommy at Daddy nila for them, para suportahan sila. Samantalang ako, yung Lola ko lang yung kasama ko sa buhay. Yung Lola ko na may sakit. Pero ayos lang 'yon sa akin, dahil iniisip ko noon na busy lang ang mga magulang ko. Pinaniwala ko ang sarili ko na may magulang din ako kagaya nila, kahit sa imahinasyon ko lang ay nariyan sila. Maadalas din akong nakakaranas ng pambubully mula sa mga kaklase ko noon dahil lang sa wala akong magulang gaya nila” pagku-kwento ko sa kaniya.

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now