CHAPTER 6

2.1K 32 1
                                    

Tingin, Lunok, tingin ulit sa kaniya sabay Lunok ulit

Huhu punyeta! Wala ba siyang balak na alokin man lang ako kahit yung sushi lang or kahit yung siomai lang? Para na akong tanga na panay ang pag -lunok dito, samantalang siya ay nagpapakasasa na sa mga pagkain. Gutom din naman ako e

He ordered foods, at talagang siya lang ang kumakain bwesit!

Katatapos ko lang linisin ang buong room niya at heto ako't nagpapahinga dito sa sofa. I'm starving and my baby too. Napakasama kasi ng ugali ng ama niya e, kainis!


Bigla ulit may nag-door bell. Lumingon siya sa akin ng walang emosyon. Maybe gusto niyang tignan ko kung sino yung nag-doorbell, pero neknek niya. Mamamatay siya sa ugot! When he realized na wala akong balak na tumayo ay siya na ang pumunta. Habang wala siya ay sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para makapag-dukwit ng pagkain niya.

Maingat akong tumayo at tumakbo palapit sa lamesa. Medyo nagtaka pa ako dahil wala pang bawas yung mga pagkain. Akala ko kumakain na siya? Ipinilig ko na lang ang ulo ko at dumukot ng tig-dalawang piraso ng sushi at siomai saka ipinasok sa bibig ko. Mabuti na lang at malaki ang bibig ko kaya kumasya hehe. Ng matagumpay akong makapag-dukwit ay bumalik na ako sa sofa at sakto naman ang dating niya. Napansin kong may tatlong plastic bag siyang hawak.

He looked at me “Come” Maikling anito bago siya dumiretso sa kusina

Wait, ano daw? Come? Inaaya niya ba akong kumain? 'Yun ba 'yun? Palihim at mabilis kong nginuya ang nasa bibig ko saka tumayo, pero hindi para lumapit at makisalo sa kaniya, kun'di para umuwi na. Nagbago na isip ko, ayoko ng makikain sa kaniya. Tapos ko na rin ang trabaho ko kaya aalis na ako. Sa bahay na lang ako kakain. Kinuha ko na muna ang mga gamit ko saka walang paalam na naglakad palabas, pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay may kamay ng pumigil sa akin. I faced him with irritation

“I did not tell you to leave. You're one day isn't over yet” he said in a calm tone.

“Tapos na ako maglinis. Hindi isang buong araw ang serbisyo ko rito” sagot ko naman bago inalis ang kamay niya sa braso ko. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha

“Why are you excited to leave?”

“Kasi may date pa kami ni Asi. At saka hindi ba't ayaw mo akong nakakasama sa iisang lugar, nakalimutan mo na ba?” sagot ko. Bigla naman siyang natigilan

“This is what you want, right? My attention” usal niya

Napatawa naman ako ng pagak “Sa'yo na atensiyon mo saksak mo sa ngalangala mo. Nagbabago ang ihip ng panahon pati na ang nararamdaman. Nagpapasalamat nga ako e dahil nauntog na ako at na-realized ko na hindi mo ako deserve, lalo na ang pagmamahal ko. Kaya mananahimik na ang buhay mo kasi hinding hindi na kita guguluhin pa. Sapat na 'yung limang taon na sinayang ko ang oras at pagmamahal ko sa maling tao” Saad ko na may bigay diin sa bawat salitang binitawan ko. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tuluyan ng lumabas. Pagkalabas ko ay kaagad akong sumakay ng elevator.

I smiled. I can't believe na nasabi ko ang mga salitang 'yon ng diretso sa kaniya. I'm so proud of my self


*****


Nakatayo kaming lahat dito sa labas ng Akademiya namin habang hinihintay ang aming service bus. Mayroon kasi kaming camping adventuredaw kuno sa campsite sa Baguio. Our bald-I mean handsome principal organized a farewell camping for all the year 12 students dahil nga gagraduate na kami next month at likisanin na namin ang Akademiya to move up to college. Pero bago kami dumiretso doon ay dadaan pa daw kami sa Zoo sabi ni Sir Marco, mayroon daw kasi siyang ipapakita sa amin na isang rare na klase ng hayop.

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now