CHAPTER 2

2.5K 31 0
                                    

DISMISSAL na at heto kami naglalakad na nila Mac sa hallway. Nagkahiwalay lang kaming tatlo ng makalabas na kami ng gate

“Bye, Mamci!” sabay silang kumaway sa akin bago sumakay sa mga sundo nilang kotse. Yayamanin kasi silang dalawa. Si Macarine anak ng Governor, then si Broccoli naman anak ng business man. Ako, Anak lang sa labas. Ang lupit talaga ng buhay. Hayss! Kumaway lang din ako sa kanila pabalik bago ako nagsimulang maglakad patungo sa paradahan ng jeef. Ang hassle pero kaya naman. Matagal na akong gustong ihatid ng dalawa sa apartment ko para daw less hassle, ako lang yung tumanggi dahil sa totoo lang talaga ay ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa iba kahit na sa kaibigan ko pa.

Payapa akong naglalakad sa gilid ng kalsada ng biglang may bumusina kasabay ng pagtigil ng isang sasakyan sa gilid ko.

Pagtingin ko ay nagulat ako ng makita ko si Tita Denice na bumaba mula doon sa Van

“Acacia, Hija!” mabilis itong lumapit sa akin at yumakap

“Tita” yumakap din ako pabalik sa kaniya. Tita Denice is the mother of the triplets, Deron, Dashwen and Dimitri

Humiwalay siya ng yakap sa akin at kinunotan ako ng noo

“Bakit hindi ka na yata pumapasyal sa bahay. Almost 2 weeks na” may bahid ng pagtatampo sa tono nito. Ngumuso pa ito na siyang ikinahagikgik ko

Honestly, close ako sa parents at sa dalawang bunsong kapatid 'nung triplets. Sa ilang taon ko ba namang pagpabalik-balik sa bahay nila para lang magpapansin kay Deron e.

“Medyo busy lang Tita hehe” alanganin kong sagot.

“Diba I told you to call me Mama, not Tita. Future daughter-in-law kita 'di ba?” Saad nito. Lihim naman akong napangiti ng Mapait

Future Daughter-in-Law? Mukhang hindi na mangyayari 'yon

“Nga pala, namiss ka na ni Demeil and Dariel. They wanted to see you. Pwede ka bang mag-dinner sa bahay ngayong gabi?” she sounded like she's pleading. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Sa totoo lang ay ayaw ko na muna sanang pumunta sa bahay nila. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na hindi na pansinin pa si Deron

“Kasi Tita ano eh...uhm” I don't know what to say. Ang hirap pa naman siyang tanggihan

“Sige na Hija. Hindi mo ba namiss ang dalawang little bro mo, how about Deron?”

I sighed. Magsasalita na sana ako ng bigla akong natigilan ng maramdaman ko ang dalawang brasong lumingkis sa beywang ko

“You didn't wait for me, baby” Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng lumapat ang mainit nitong hininga sa batok ko


The h*ck with this guy!

“Who are you?” biglang tanong ni Tita sa kaniya. Bumitaw naman siya sa akin para harapin si Tita Denice

“I'm Crane Asiai Dawson, her Fiance. Nice meeting you, Ma'am” Magalang nitong sagot kay Tita. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya

Ano daw? Fiancé? At anong itinawag niya sa akin?

“MOM!”

Sabay sabay kaming napalingon sa tumawag sa kaniya. Si Dash kasunod sina Dimitri at Deron. Pasimple kong sinulyapan si Deron, and as usual madilim na naman ang Mukha niya

“Why are you here, Mom?” tanong ni Dash ng makalapit na sila sa amin

“Well, I came here to invite Aca for a dinner sana, kaya lang I don't think if she can come” sagot nito sabay baling sa katabi ko “You can join us if you want, para nakapunta rin itong si Aca” Ani'to. Was she inviting Asi to have a dinner with them? Kaming dalawa

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now