CHAPTER 9

1.6K 25 0
                                    

FLASHBACK

Birthday ng isa sa mga Kuya ni Deron na si Kuya Dwight. They invited me kaya pumunta ako. Ang venue ay nasa isang mamahaling hotel. Syempre, yayamanin ang pamilya nila e,

Nakakahiya dahil wala man lang akong dalang regalo para kay Kuya Dwight

“Isayaw mo naman ako Deronie” pamimilit ko kay Deron. Lahat Kasi ng couples ay nasa gitna at nagsasayaw

“Pwede ba! Lubayan mo ako kahit ngayong gabi lang. Nakakairita ka na!” singhal nito sa akin. Hindi naman ako natinag dahil sanay na ako sa ugali niya

“Kahit isang sayaw lang dali na” pamimilit ko pa. Gusto ko lang kasing ma-feel na maisayaw nuya

“I SAID LEAVE ME ALONE! HINDI KA BA TALAGA TITIGIL?”

Natahimik ang lahat, ngunit hindi dahil sa ginawa niyang pagsigaw ang ikinatihimik nila kun'di ang malakas na pagtilapon ko sa lapag sanhi ng malakas niyang pagtulak sa akin. Tumama ang pang-upo ko sa napakatigas na tiles. Masakit. Mahapdi. Hindi ang pagkakabagsak ko kun'di ang ginawa nito sa akin. He pushed me at nasaksihan iyon ng lahat ng narito. sa pisngi ko. Yumuko ako dahil hindi ko na kinaya pang pigilan ang nag-uunahan sa pagbagsak kong mga luha

“Oh my god! What have you done Deron?”

Lumapit sa akin si Tita at tinulungan akong tumayo. Hindi ko man lang magawang mai-angat ang ulo ko dahil sa sobrang kahihiyan

“It's her fault. I've told her many time na tigilan niya na ako. But she keeps on pestering me. Nakakairita na ang pagiging d*sperada niya” I heard Deron said with his Cold voice. Mas lalo lang akong napaiyak

Ilang ulit niya na akong pinapahiya but he never calls me d*sperate. Ngayon lang.

“I-I'm s-sorry..” iyon lang ang nasabi ko bago patakbong nilisan ang lugar na iyon.

Umiyak lang ako ng umiyak sa apartment ko. Inilabas ko lahat ng sakit na ilang taon ko ng kinikimkim.

Bakit ba hirap silang mahalin ako?

D*sperada? Iyon na ba talaga ako?

Dapat ko na bang itigil ang kahibangan ko sa kaniya? Dapat ko na rin bang itigil ang pagmamahal ko sa kaniya?

Kahit anong gawin ko, walang epekto pagdating sa kaniya. I gave him all my love and attention, pero wala lang 'yon para sa kaniya. Wala lang ako para sa kaniya. Isa lang akong d*speradang naghahanagad na mahalin niya

Sa sobrang pagod dahil sa ginawa kong pag-iyak ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. Nagising lang ako ng makarinig ako ng ilang ulit na pagkatok sa pintuan ko. Tinignan ko ang wallclock at nalaman kong alas-onse pa lang ng gabi. Ilang oras lang din pala akong nakatulog.

Kahit tinatamad akong bumangon ay pinilit ko para tignan kung sino ang bw*sit na kumakatok ng ganitong oras sa bahay ko

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita ko si Deron. Mapupungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin, pansin ko rin na may kakaiba sa kaniya.

Ng maalala ko ang ginawa niya sa akin kanina ay bigla akong nakaramdam ng galit

“A-anong ginagawa mo rito” tanong ko. Ang lakas naman ng loob niyang pumunta rito matapos ang ginawa niya sa akin kanina. Galit ako sa kaniya

“It... it's *hik* your fault *hik. You made me like *hik* this”

Kumunot ang noo ko. Is he drunk?

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now