CHAPTER 14

1.4K 23 0
                                    

Narito ako ngayon sa Library at naghahanap ng mababasang libro. Break time at imbes na mag-meryenda sa cafeteria ay mas oiniki ko na lang na tumuloy dito. Wala kasi ako sa mood kumain ngayong Araw. Ng may makita na akong librong basahin ay humanap na ako ng pwesto

Hindi ko kasama si Asi ngayon dahil may practice sila sa soccer, sina Broccoli at Macarine naman ay nagme-meryenda

“Can I sit here?” nag-angat ako ng tingin para tignan ang umupo sa tapat ko. It's chaos, the weird guy

“Nakaupo ka na nagpapaalam ka pa” pagmamaldita ko. He chuckled. I rolled my eyes at him

“Ang sungit talaga! ” bulong nito na narinig ko naman

“Masungit talaga ako. It runs in my blood” I rolled my eyes again saka Hindi na siya pinansin pa. Nag-focus na lang ako sa librong binabasa ko

“Do you hate me?” kalauna'y tanong nito. Tinignan ko siya at medyo nakaramdam ako ng guilt dahil sa emosyong ipinapakita ng mga mata niya

“N-no” Utal kong sagot. I looked away. Hindi ko naman kasi siya hate. Hindi ko lang maintindihan kung bakit umiinit ang ulo ko kapag nakikita ko siya, siguro ay dala din ng pagbubuntis ko kaya ganito.

“If you just give me a chance...papatunayan ko sa'yo na seryoso ako” muling sambit niya.

Muli kong sinalubong ang mga mata niya “Gusto mo ako o Mahal mo ako?” diretasang tanong ko. Ganito talaga ako kahit sa mga nanliligaw sa akin noon

“Both” walang pag-aalinlangan nitong sagot na ikinanganga ko

May s*ltik nga ang lalaking 'to tsk! Iniwas ko na lang ulit ang tingin ko at nag-focus na lang sa binabasa ko

“Why don't you give me a chance?” him

“Kasi ayoko. Iba na lang ang pag-alayan mo ng feelings mo. Gwapo ka, marami diyang babae na nagkakandarapa sa'yo” sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya

“Pero ikaw gusto ko” giit nito. Isinara ko ang librong binabasa at tinignan siya ng seryoso

“Wala na akong puso. P*tay na. Hindi na ako magmamahal ulit, so tigilan mo na ako habang maaga pa” Saad ko bago ako tumayo at iniwan siya. I don't know him, tapos sasabihin niyang gusto niya ako? Hibang na siya!

Binilisan ko ang lakad ko para makalabas kaagad ng Library. Saktong paglabas ko ay bumungad naman sa akin ang pigura ni Dashwen

P*nyeta! Bakit ang hilig nilang sumulpot sa harapan ko. Kanina yung chaos, ngayon itong isa sa j*rk

“Kanina pa kita hinahanap” usal nito. Hindi ko siya pinansin at lalampasan na sana ng hawakan niya ako sa braso. Iritado ko siyang hinarap

“Ano bang kailangan mo?” Singhal ko

“Bakit hindi mo ako sinipot kahapon? May usapan tayo 'di ba?” seryoso nitong tanong. Tumaas ang isang kilay ko. Sino ba siya sa akala niya?

“Hindi mo ako alipin para sumunod sa sasabihin mo. Bitawan mo nga braso ko!” pilit kong inaalis ang kamay niyang nasa braso ko

“So, hindi ka natatakot na malaman ni Deron ang totoo?”

“Hind—” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla na lamang may nagsalita sa likuran niya

“Anong totoo ang dapat kong malaman?”

DERON'S POV

Kanina ko pa napapansin ang madalas na pagsulyap sa akin ni Dashwen. I stopped browsing my Twitter account and faced him

“Why do you keep on glancing at me?” I asked raising my left brow

“Nothing...I'm just curious 'bout something” he shrugged his shoulders.

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now