CHAPTER 25

1.3K 43 2
                                    

Kaharap ko ngayon sa lamesa ang taong buong buhay ko ay tanging sa video calls ko lang nakikita. Inaya ko sila dito sa kusina para mag-meryenda.


Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano makitungo sa kaniya lalo na sa personal gaya nito. I'm not used to it. Parang mas komportable kapag sa video call ko lang siya nakakausap. I don't know why I felt this way.

“Kailan po kayo dumating, Papa?” pagbukas ko ng usapan

“Parang hindi ka masaya na narito kami, Anak!” anito sa malungkot na tinig. Sunod-sunod naman akong umiling

“Hindi naman po sa gano'n. Nagulat lang ako na makita kayo dito” nahihiyang saad ko saka muling pinasadahan ng tingin ang dalawa kong Kuya na kasama niya. They both smiled at me. They are my Kuya Tailor and Kuya Zaire. Hindi ko sila masiyadong close. Mas close kasi ako sa panganay na si Kuya Henrick

“Actually kararating lang namin. We went straight here from the airport to see you” nakangiti nitong sagot. Tumango-tango na lang ako.

“Bakit biglaan po yata-I mean, dapat po sa graduation ko pa ang dating niyo, hindi ba?" Tanong ko pa. Iyon naman kasi ang plano. After graduation sila pupunta dito para sunduin ako

“Well..uhm,” tila nag-aalangan pa ito na magsalita

“Make it straight to the point, Dad. Tell her the reason why we're here” biglang sabat ni Kuya Zaire kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya. I got curious the way how he looked at our Dad's face. Para siyang galit na ewan


Bumuntong hininga si Papa bago nagsalita

“We're actually here to talk about your engagement party next week” anito na ikinagulantang ng buong sistema ko.

“Engagement party?” ito na ba yung sinasabi nung lalaki kanina. Talagang in-arrange niya ako ng wala akong kaalam-alam?

“Yes Anak. You are engaged with my business partner's son, Canther Scott” sagot nito.

“In-arrange mo ako ng hindi ko alam? How could you do that?”


Hindi ko alam, ngunit bigla akong nakaramdam ng inis at galit sa kaniya. Paano niya nagawang i-arrange ako sa taong hindi ko kilala!

“I'm sorry, Anak. I had no other choice. Nalubog kami sa utang at hawak ng mga Scott ang kompanyang pinaghirapan naming itayo ng Lolo mo. They told us na pwede lang namin mabawi ang kompanya kapag pumayag ako sa kondisyon nila” Saad nito.

“Kaya ako ang ipambabayad mo? Ako ang kapalit, gano'n ba?” sarkastiko kong tanong. Pakiramdam ko any minute sasabog ako dahil sa inis.

He is my father, yes. But it doesn't mean na may karapatan na siyang ibenta ako kapalit ng kompanya niya!

Ngayon ko pa nga lang siya nakaharap ng personal, tapos ganito pa!

“Hindi naman sa gano'n, Aca. Just listen to Dad first. This is also for your own good”

Napatingin ako kay Kuya Tailor ng magsalita siya. Malungkot akong napangiti. Pati siya, sila pumayag?

At ano daw? Own good? Ipambabayad utang ako para sa ikakabuti ko, gano'n ba ang ibig niyang sabihin?

“Ikaw lang ang tanging makakasalba sa kompanya, Anak. Kapag pumayag kang magpakasal sa anak ni Mr. Scott, our company will—” Hindi ko na siya pinatapos pa at agad na sumabat

“I can't marry that guy. I'm pregnant” matapang kong saad. Nakita ko kung paano siya nagulat dahil sa sinabi ko, ganoon na din sina Kuya na talagang bumilog pa ang mga mata

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now