CHAPTER 24

1.5K 45 4
                                    

Hanggang sa makarating kami sa University ay wala akong naging imik. Para akong napipi sa nangyari at sa mga narinig ko sa kaniya. Lahat ng binitawan niyang salita ay parang bombang sumabog na hindi ko inasahan.

Dahil sa pagiging tulala ko ay hindi ko na namalayan na nakababa na pala si Deron at pinagbuksan pa ako ng pinto. Inilahad nito ang kamay sa akin para siguro alalayan ako sa pagbaba. Imbes na abutin ay tinapik ko iyon palayo sa akin saka ako bumaba mag-isa.

“Ihahatid na kita sa room mo” anito.


Tinaasan ko siya ng kilay “Kaya kong pumunta mag-isa sa room ko” Irap kong sagot sa kaniya saka ko siya iniwan. Binilisan ko pa ang mga paghakbang ko para lang hindi niya ako abutan pero naabutan niya pa rin ako. Iritado ko siyang hinarap ng hawakan niya ang braso ko

“Pwede bang tumigil ka na! Hindi porke sinabi mong Mahal o gusto mo ako ay babalik kaagad ang lahat sa dati. Sinabi ko na sa'yo, Hindi na ako yung Acacia na patay na patay sa'yo! Hindi na kita gusto!” bulyaw ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung may makakita man na sinisigawan ko siya.

“Wala akong pakialam. Gagawin ko pa rin kung ano man ang gusto kong gawin. Even if you don't love me anymore....then don't. I don't care. Basta, I will love you and you can't do anything about it. Hindi mo ako tinigilan noon kaya gano'n din ang gagawin ko, even if it will take years. I will patiently pursue you” Saad nito. Batid ko ang sensiridad sa tono niya. Kakaiba na naman tuloy ang nararamdaman ko ngayon

“Ewan ko sa'yo. Bahala ka!” iyon na lang ang nasabi ko dahil naging

“Bahala talaga ako. Watch me. I will make you fall in love with me...again”

Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Sa totoo lang ay naiinis ako, Hindi sa kaniya kun'di sa sarili ko dahil aminin ko man sa hindi ay malakas pa rin ang epekto niya sa sistema ko. Paunti-unti ko na siyang nakakalimutan, pero yung epekto niya sa sistema ko ay wala pa ring pinagbago.

Hindi dapat ganito. Hindi ako pwedeng magpa-apekto dahil baka pinaglalaruan niya lang ako.

“Mamci!”

Mabilis akong napatingin kay Broccoli ng sumulpot siya sa harapan ko


“Magaling ka na?” tanong ko saka kinapa ang noo niya


“I'm okay na Mamci. Sabay na tayo” sagot nito saka lumingkis sa braso ko. Bahagya akong sumulyap sa aking likuran at napabuntong hininga na lang ako ng hindi ko na makita si Deron.

THIRD PERSON'S POV


“What brings you here Mr. Scott? Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka?” gulat na tanong ng lalaki sa kaniyang panauhin. Walang imik namang umupo ang tinawag nitong Mr. Scott sa visitors seat sa harap ng kaniyang lamesa. Sumandal ito sa sandalan ng upuan at dumikwatro ang mga paa. Malakas ang Aircon sa kaniyang opisina, ngunit tila mas lalo pang lumamig dahil sa lamig na dala ng kaniyang panauhin.

“I just came here for this” ibinaba ng binatang tinawag nitong Mr. Scott ang magkaibang larawan ng dalawang lalaki sa lamesa niya. Nagtataka naman niya itong kinuha at tinignan. Kalauna'y tumango-tango ito ng makuha nito ang dahilan ng pagdalaw ng lalaki sa kaniyang opisina


“I want you to find information about them” anang Mr. Scott gamit ang malamig nitong tinig.

“Who are they?” Puno ng kuryosidad niyang tanong dito.


“Some....pest” tugon ng lalaki na tila balewa lamang sa kaniya ang kaniyang sinabi

Muling pinakatitigan ng lalaki ang dalawang larawan at tila nakilala nito ang isa sa kanila

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now