CHAPTER 5

1.9K 31 0
                                    

“Sigurado ka na ba talaga na magre-resign ka na?”


Magkasunod akong tumango kay Mrs. Alegre na may ari ng hotel na pina-part time job ko tuwing weekends. Bumuntong hininga naman siya

“If that's your decision, then I have nothing to do with it. Sayang lang kasi ikaw yung gusto ng mga nag-che-check in dito na maglinis ng room nila dahil magaling ka raw” Ani'to. Napangiti na lang ako. Hands on Kasi talaga ako sa pagta-trabaho, maayos at malinis lahat ng nililinisan kong kwarto dito.

Kung tutuusin ay kaya ko pang magtrabaho, ang kaso lang ay medyo may pagkalampa ako. Madalas ako kung madulas o kaya nabubunggo, kaya mas okay na yung magtigil na muna ako para 'di mapahamak ang baby ko

“But, pwede bang maglinis ka ng isang room ngayon, kahit 'yon lang. May nagrequest kasi sa akin at binigyan ka ng napakalaking tip. Ten thousand din 'yon” Ani'to. Bumilog naman ang mga mata ko. Oh my f*cking gulay! 10k for real??

“Room number at keycard po hehe” mabilis na pagpayag ko. Aarte pa ba ako, 10k din 'yon uy! Napangiti naman si Mrs. Alegre

“That is what I like about you. Napaka-praktikal mong bata haha” puna nito na tinawanan ko na lang ng mahina

Pagkatapos nitong ibigay sa akin ang room number at keycard ay dumiretso na muna ako sa utility room para magpalit ng uniform at Kunin na rin yung mga gagamitin ko sa paglilinis, then pagkatapos ay dumiretso na ako doon sa room. Sumakay pa ako ng elevator dahil sa 10th floor pa yung room. Habang nasa elevator ay maraming mga bagay ang pumapasok sa isip ko. It's been 1 month simula nang magdecide akong mag-move on kay Deron, so far so good naman. Asi is always there pa rin to help me. Lagi kaming sweet sa school just to let everyone knows na kami nga talaga.

And for Deron, ayon sa naririnig ko ay parang naging cold daw siya. Hindi na siya masiyadong nakikipag-usap sa iba at madalas na lang nakatambay sa hindi ko alam kung saan. Aaminin kong, Mahal ko pa rin siya. Hindi naman kasi gano'n kadali na kalimutan ng mabilis ang feelings ko for him, limang taon din kaya yun. Pero paunti-unti siguro ay mawawala din lalo pa't mukhang siya talaga ang pinaglilihian ko in negative way. Ayaw na ayaw ko kasi talagang nakikita yung Mukha niya. Mabuti nga at madalang na kaming magkita simula noong P.E namin kay Sir Echivarri.

Pagkarating ko sa room na lilinisin ko ko ay pumasok na ako kaagad. Well, maayos naman at mukhang malinis, so anong lilinisin ko rito? At nasaan din kaya 'yung room owner? Nagkibit balikat na lang ako bago nagsimula sa paglilinis.

Inilibot ko muna ang paningin ko sa kabuoan ng silid. If I'm not mistaken, this room is the master suite. Ang bongga naman! Mukhang mayaman yung nag-check in dito kaya master suite ang kinuha.

Inuna ko na munang linisin 'yung kama. Kailangan kong bilisan para makauwi na ako kaagad dahil may check-up pa ako sa Ob-gyne ko.

Habang naglilinis ay kumakanta ako. Hindi ko kasi ramdam yung pagod kapag kumakanta ko. Natigilan lang ako sa pagkanta ng marinig kong mag-unluck 'yung pinto kasunod ng mga yabag na papalapit sa akin. Baka siya na yung may Ari. Tumayo ako ng tuwid at inayos ang uniform ko then hinarap ko ng may ngiti sa mga labi yung may-ari. Pero nagulat ako ng makita ko ang Mukha ng lalaking nakatayo sa harapan ko. It's him. Deron. Saglit akong nakipag-titigan sa kaniya pero kalauna'y ako na rin ang naunang nag-iwas ng biglang manuot sa ilong ko ang isang masang-sang na Amoy, kaparehong Amoy niya noong nagkatabi kami sa van.Mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang ilong ko. The heck! Bakit amoy bulok na palaka na naman siya

“Ang baho mo! Amoy Bulok na palaka ka na naman” Saad ko. Mabilis akong napatakbo sa banyo ng pakiramdam ko ay maduduwal ako

“What the fuck! I'M NOT A ROTTEN FROG!”

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now