CHAPTER 23

1.5K 52 2
                                    

“I'm glad that I finally met you”

Rinig ko ang pagsinghap ng lahat ng estudyante dahil sa tinuran ng lalaking nasa harapan ko. Ako naman ay napaawang ang bibig. Like what the f lang!

“Ako?” itinuro ko pa ang sarili ko dahil baka mamaya ay hindi ako ang tinutukoy niya. Baka may ibang Maria Acacia pala dito na hindi ko alam. Pero imposible dahil ako lang ang nag-iisang magandang Maria Acacia na nabubuhay sa planetang 'to

“The one and only” tugon ng lalaki na medyo may kalamigan yung boses. Bumaling siya ng tingin kay Asi at parang nakipag-sukatan pa siya ng tingin

“Teka, kilala mo ako? Paano?” curious kong tanong dahil hindi ko siya kilala. Ganoon na ba ako kasikat at kaganda? Infairness huh, this guy is quite handsome. Muli siyang bumaling sa akin

“Yeah. I am your fiancee” seryosong sagot niya. Muling napasinghap ang ilang mga estudyante. Maging ako ay napasinghap din. Ano daw? Fiancee ko siya? Kailan pa?

“You got the wrong girl, bro. I am her fiancee. Let's go, Hon” Ani Asi saka ipinulupot sa beywang ko ang kanang braso niya. Mabilis na bumaba ang mga mata ng lalaki doon. Hindi nakalampas sa paningin ko ang bahagyang pataas ng isang sulok ng labi niya.

“Let's go, Aca. Baka abutin pa tayo ng traffic sa daan” Ani Asi saka niya ako inakay sa paglakad. Nilampasan namin yung lalaki pero napahinto kami ng muli siyang magsalita

“She has no other Fiancee except me” anang lalaki “Her Dad arrange us” dugtong pa nito na ikinagulat ko.

In-arrange ako ni Papa sa kaniya?

“I don't care what kind of relationship you have with her. Just know where to place your self next time. I don't want other men near at my woman, again. Always remember that” Dagdag pa nito. Humakbang siya palapit sa akin “See you tomorrow, my queen”

Nagulat ako ng bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Pagkatapos ay naglakad na siya paalis kasunod ang ilang lalaking nakasuot ng kulay itim. Sa sobrang pagkabigla sa ginawa niya ay napaawang pa ang bibig ko.

May saltik ba ang lalaking 'yon?

He's my Fiancee? For real?

THIRD PERSON'S POV

Malungkot na napangiti si Deron habang nakatingin sa dalawa.

“I won't stop, Acacia. Never” mahinang saad nito saka sumunod sa dalawa. Napapakuyom ang kamao niya habang nakatingin sa dalawa lalo na sa kung paano yumapos ang braso ni Asiai sa beywang ni Acacia. Gustuhin man niyang lumapit sa dalawa at alisin ang braso ng lalaki ay hindi niya magawa. He need to control his temper. Hindi makakatulog sa kaniyang planong Pagkuha muli sa dalaga kung aakto siya ng Hindi naaayon sa kaniyang Plano.

“Bro!”

Agad siyang napatigil sa paglalakad at napatingin sa tumawag sa kaniya. Si Dimitri. Agad na bumaba ang mga mata ng kaniyang kapatid sa hawak niyang bulaklak

“May practice daw tayo sabi ni coach” anito ng hindi pa rin naaalis ang tingin sa hawak niyang bulaklak. He's a bit curious kung bakit may hawak na bulaklak ang kaniyang kapatid, gayong wala sa ugali nito ang bibili ng bulaklak. Is it for Acacia? Seryoso ba talaga ito sa dalaga?

“Is that for Aca?” Hindi niya na naiwasang itanong pa dahil curious talaga siya. He's hoping that he'll answer him no, but he did not expect his answer

“Yeah. I'm starting on courting her” Simpleng sagot ni Deron “But she didn't accept this” dugtong pa nito. Natahimik si Dimitri, ngunit kalauna'y palihim na tumaas ang isang sulok ng labi nito. Hindi naman iyon nakalampas sa paningin ni Deron na hindi niya na lang pinag-tuonan ng pansin

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now