CHAPTER 11

1.5K 25 0
                                    

"Tikman mo nga ito, hija" inabutan ako ni Tita Denice ng isang piraso ng cookie na binake niya. Kinuha ko naman 'yon at kinain

"Masarap po, Tita" I said then smiled. Napangiti rin naman siya

Ngayon ay Araw ng Sabado. Narito ako sa Mansion ng mga Escoffier dahil sinundo ako ni Tita Denice sa bahay kaninang umaga. Gusto daw kasi nito na subukan naming dalawa yung na-discover niyang bagong recipe ng cookies. We both love baking. Naging bonding namin itong dalawa kaya madalas akong narito sa bahay nila noon.

"Really? Subukan naman natin 'yung pistachio flavor" masayang sambit nito at excited na kinuha ang ibang ingredients sa pantry. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng biglang pagkahilo. These past few days, mas lumalala ang hilo ko at pagsusuka ko, lalo na sa umaga. Mabuti na nga lang at sa apartment ko na nanunuluyan pansamantala si Asi. Ang hirap din palang mag-isa kapag buntis ka at nasa stage ka palang ng paglilihi. Ang dami kong cravings na mabuti na lang at naibibigay ni Asi

“May problema ba, Hija? Parang ang tamlay mo, maputla din ang lips mo? Are you not feeling well?” may pag-aalala sa tono nito. Ibinaba nito ang hawak nitong bowl sa counter bago inabot ang noo ko at hinipo

“Hindi ka naman mainit” sambit niya. Tipid akong ngumiti “Okay lang po ako, Tita. Huwag niyo na po akong intindihin. Mag-bake na po tayo” Ani ko. Tumango lang naman ito

Nasa kalagitnaan kami ng pag-mi-mix ng mga ingredients ng bigla na lang dumilim ang paningin ko, kasunod 'nun ay ang pagkawala ng balanse ng katawan ko hanggang sa tuluyan na akong bumagsak. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Tita Denice bago ako tuluyang nilamon ng dilim

Nagising ako ng makaramdam ako ng marahang pag-haplos sa aking Mukha. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa paningin ko ang nag-aalalang mukha ni Tita Denice

“Thanks god you're awake! Masiyado mo akong pinag-alala, hija” Saad nito. Tipid naman akong ngumiti sa kaniya.

“A-ano pong nangyari?” I asked

“You fainted” sagot nito. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng biglang sumeryoso ang Mukha niya

“You didn't tell me, Hija..” Ani'ya

“A-ang alin po?” Mas lalong tumindi ang kaba ko dahil sa sumunod nitong sinabi

“That you're pregnant. The Doctor said that you're 4 weeks pregnant”

Nakagat ko ang sariling labi. Nilukob ng matinding kaba ang buong sistema ko. Eto ang pinaka-iiwasan ko, ang malaman ni Tita ang tungkol sa pagbubuntis ko

“Akala ko ba no secrets tayo, Hija. Hindi ba't lahat ng sekreto mo ay sinasabi mo sa akin noon? What happened? Nagtatampo ka ba sa akin because of what happened noon sa party? Are you mad at me” may pagtatampong wika nito. Sunod-sunod naman ang umiling

“Hindi po Tita. Hindi po ako galit o Nagtatampo sa inyo. Ano lang kasi.. uhm,” I don't know what to say. I don't what to do. Should I tell her the truth?

“Yung Fiancé mo ba ang Ama ng baby mo?” Her voice is calm, but I sense something else in it

Hindi ako umimik at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. She heaved a sigh and hold my left hand

“It's okay. I won't force you if you're not yet ready to tell me about it. Take some rest, sabi ng Doctor ay huwag mo daw masiyadong pinapagod ang sarili mo. I will just go downstairs, papupuntahin ko na lang si Manang Selia dito para may kasama ka, okay?” Saad nito bago siya tumayo at tumalikod na. Maglalakad na sana ito paalis pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya

“Sandali lang po tita” Lumingon naman ito sa akin. Bumangon ako at umupo

Tita Denice and Tito Waze are like my second parents. Bukod kay Mamila na Mama ni Papa at kay Tita Anissa na Mommy ni Asi ay isa din si Tita Denice sa itinuturing kong Mama. Sa kanila ni Tito ko naranasan magkaroon ng kompletong magulang. Ni minsan ay hindi nila ako itinuring na iba, kaya nage-guilty ako ngayon dahil nagawa kong maglihim sa kanilang mag-asawa

Ignoring The Father Of My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon