CHAPTER 10

1.7K 25 0
                                    

Third Person's POV



“Can I court you?”

Lahat ay tila gulat na gulat at kapwa natigilan dahil sa itinanong ni Chaos kay Acacia. Lahat ay naghihintay din ng sagot mula sa dalagang kunot na kunot ang noo at salubong na salubong ang mga kilay na nakatingin sa binatang si Chaos. Binalingan nito ng tingin si Asi na nasa kaniyang tabi

“May s*ltik ba siya?” bulong na tanong nito kay Asi. Lihim namang napatawa si Asiai. Minsan talaga ay may pagka-inosente si Acacia lalo na pagdating sa mga nagkakagusto at nanliligaw sa kaniya

“No. Maybe he has a crush on you” bulong naman pabalik ni Asiai sa kaniya na mas lalo pang ikina-kunot ng kaniyang noo. Ibinalik nito kay Chaos ang tingin na naghihintay ng kaniya sagot.

“Ehem! So what is your answer, Ms. Dela Paz?” tanong ng guro nilang si Marco na may nakapaskil pang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. Lihim naman umirap si Acacia dahil hindi ito interesado sa lalaking 'yon. Bukod kay Deron ay wala pa itong ibang lalaking nagustuhan

“No. I already have a Fiancé at malapit na rin kaming ikasal” sagot nito bago sumandal sa balikat ni Asiai. Napangiti naman si Asiai dahil sa narinig sa kaniyang pinsan. Samantalang may dalawang lalaki naman na lihim na napakuyom ang mga kamao. Parehong matalim ang mga matang nakatingin sa dalawa. Napairap naman ang ilang mga babae dahil sa isip nila ay isang napakal*nding babae ni Acacia. Mga inggiterang palaka nga naman.

Napangiti na lang si Chaos kahit na medyo nasaktan ito sa isinagot ng dalaga sa kaniya. But he is not the type of a guy na madaling mag-give up, lalo na't alam nito ang totoong ugnayan nina Acacia at Asiai. He's still has a chance

'I will make you mine, Acacia. And no one will stop me' sa isip ni Chaos.

“Okay? Continue hehe” awkward na ani ng gurong si Piolo ng maramdaman nito ang awkwardness sa pagitan ng kaniyang mga estudyante. Nagpatuloy ang laro hanggang sa dumating kay Asiai

“Dimitri” bigkas nito sa pangalang kaniyang nabunot saka ito binalingan ng seryosong tingin. Tumingin din naman ng seryoso sa kaniya si Dimitri. Noon pa man ay hindi na nito gusto ang pag-uugali ng binata lalo na kung paano nito itrato ang kaniyang pinsan, ngunit sa ilang taong pagmamasid niya sa magkakapatid ay meron siyang natuklasan

“Ask me” Ani Dimitri

Saglit na sinulyapan ng tingin ni Asi si Acacia bago muling ibinalik kay Dimitri

“Do you like, Acacia?” diretso nitong tanong na siyang ikinatigil ng binata maging pati na rin ng lahat. Ito na Ang tamang panahon at pagkakataon upang konprontahin ito. Mabilis namang napatingin sina Dashwen at Deron sa kanilang kakambal. Kumunot ang noo ni Deron kasunod ng pagsalubong ng kaniyang mga kilay.

'He likes her?' tanong ni Deron sa kaniyang isip

Habang ang ilang estudyante ay tahimik lang na tila nanunuod ng isang intense na palabas. Bakit nga ba kanina pa nadadawit si Acacia?

“W-what? A-ako? No way!” Utal na tanggi ni Dimitri bago ito mabilis na tumayo at umalis. Aangal pa sana ang gurong si Marco ngunit mabilis na siyang pinigilan ni Lurios

“Mabuti kung gano'n. Acacia is mine and I won't allow anyone touch or get what's mine” Saad ni Asi saka nito inilingkis ang kaniyang kanang braso sa beywang ni Acacia. Hindi naman alam ni Acacia kung ano ang kaniyang magiging reaksiyon dahil sa mga nagaganap. Hindi pa nga napo-proseso ng kaniyang isip ang sinabi ni Chaos na gusto siya nitong ligawan, tapos ay may sumunod pa at kay Dimitri naman. Si Dimitri magkakagusto sa kaniya? E kung ibully siya nito noon ay mas malala pa kay Deron. Paano naman itong magkakagusto sa kaniya?

Ignoring The Father Of My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon