Kabanata 2

27.8K 676 328
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 2


Taimtim naming sinabayan ang kanta kasabay ang mga taong nagsisimba. Pikit-mata kong kinanta ang awit habang hawak-kamay si Eris at Lava sa palad.

Pagtapos ng dalawang oras na misa ay naghiwa-hiwalay na kaming anim. Meron silang family date at uuwi sa kaniya-kaniyang bahay.

Sinakay ako ni Sovan dahil uuwi siya ng Valenzuela. Sasabay lang ako. Idadaan niya ako sa Fairview kung nasaan ang restaurant nina Mama.

Sumaludo ako kay Sovan nang makababa ako sa sasakyan niya. "Astalavista, bebesov!"

"Astalavista, bebe!" He salutes back. Pinaharurot niya ang sasakyan paalis.

Napakamasigla ang init ng sikat ng araw sa balat ngayon. Tirik na tirik. Tapos na ang summer, ang init pa rin?

I'm wearing my Adidas white shirt, ripped jeans, and white sneakers. Nilalakad ko ang outdoor hall habang pinapagpag ang buhok at napakainit talaga!

Isang hilang katamtaman ng staff sa malaking glass door ng Mantizmo Restaurant ay bumukas ang pinto.

"Good morning, Chef Rai!" Bati ni Kyra, isa sa mga empleyado ng aming kainan.

"Good morning!" I greeted back and smiled.

"Mas maganda ka pa sa umaga, Chef Rai!" Jacobe, my favorite Chef, greeted me enthusiastically.

"Wow. Palong-palo bumati ah." Natatawang sabi ko at nakipag-apiran sa kaniya.

Some customers are looking at me. Hindi nila ako nginingitian pero sinusuklian ko ang mga tingin nila ng matamis na ngiti.

Tuwing Linggo, dito ko tinotoka ang sarili. Gusto kong tumulong sa restaurant namin. Bukod doon, gustong-gusto ko rin ang magluto at magsilbi sa mga customers. Pabor pareho sina Mama at Papa dahil mas mabuti ito para mahubog pa ako nang husto.

Since busy ang mga kaibigan ko ngayon, hindi ko sila kasama. May araw na anim kaming nagtatrabaho rito. Ngunit hindi convenient ang parehong araw nila ngayon kaya mag-isa ako.

"Saang station ka ngayon, Chef Rai?" Chef Cherry, the youngest chef asked me politely.

"Saan ba si Papa?" Tanong ko at pumasok sa malaking kitchen.

Our chefs greeted me with a smile. Tinanguan ko na lang sila dahil pagod na labi ko kakangiti.

"Nasa Saucier Station po." Sagot ni Chef Cherry.

"I'll go there. Serving at Sauté ako ngayon. Si Mama?"

"Nasa Pastry Station po."

I nodded at her. I sauntered to the huge station of our Pastry. Nakita ko roon si Mama na eleganteng-elegante sa suot niyang white chef uniform na naiiba kumpara sa regular uniform. Nirorondahan niya ang gumagawa ng pastries.

"I like your own version of the cake, Madi. Isama ko 'yan sa menu next week," Mama said to our baker.

I hugged her from the back. Nagulat pa siya pero nang madampian ang balat ko at makilala ay tumawa.

"Oh, you're here! Tapos na kayo magsimba?" Malambing niyang tanong.

"Yes, Ma," I kissed her cheek. "Sa Saucier Station ako ngayon. Nando'n daw si Papa."

"Sige lang. Galingan mo sa pagluto!"

"Magse-serve din ako, Ma."

"Bahala ka sa buhay mo. Malaki ka na." Pabiro niyang sabi kaya tumawa ako.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon