Kabanata 41

19K 477 396
                                    

Warning: Content may trigger some individuals.


Hues After The Rivalry

Kabanata 41


My depression was getting worse. Akala ng lahat, pagaling na ako. That's what I thought too. Pero dumarating pa rin ang mga araw na nawawala ako sa sarili ko.

Naudlot ang araw na sanang paglipad namin ni Tita tungo sa Spain. Sa kadahilanang may inilala pa ang sakit ko.

I screamed when I felt so lonely. I cry when I felt so alone in the corner of my room. Nababaliw na ako. Binabaliw ako ng mga sakit. Emotionally and physically. Sa tatlong taong pakikipaglaban sa depresyon at bagsak na katawan, tatlong taon din akong nanunuluyan sa kadiliman.

I was bedridden for two years.

Para akong naging kandila, na hinding-hindi mabubuhay hangga't walang apoy. At sa oras na magkaapoy, unti-unti namang mauubos.

Ang pagiging buto't-balat ko ang halos magpapatay sa akin. Everything was crushing me. Pain, medications, darkness.

"I won't be able to bear losing my niece! Please, make everything to make her better! Everything! Everything, please!"

Hindi ko magawang makalaya sa dilim.

Sukong-suko na ako.

I really want to die. Please, God, give me my death.

"I couldn't take seeing our friend like that. Ang sakit-sakit. Ni hindi na natin siya makilala."

I heard a crying voice. Magaan ang katawan ko pero mabigat ang pakiramdam ko.

My bones became more prominent. Sobrang nipis na ng balat ko at tila nasa otsenta na ang edad ko. My weight dropped to 18.

We celebrated my 28th birthday at Tita Kath's home in Batanes. Stretcher ang tumutulong sa akin para maibyahe. Nagtutulong-tulong sila para maibangon ako, dahil ako sa sarili ko, hindi ko na magawang maibangon ang sarili.

Hindi Niya pa ba ako kukunin? Gusto ko nang magpasundo kay Mama at Papa! Ayoko nang mabuhay, dahil alam ko, mamamatay din naman ako!

Why do I have to go through this? I've been a good child. I've been a good friend. I've been humane. Bakit nararanasan ko ang paghihirap na 'to sa kabila ng lahat?

"That's your karma! Kaya ka nawalan ng ina, dahil makasalanan ka! Kasalanan mo kung bakit siya nawala!"

Or maybe... I was really sinful. I am evil. And this is the hell. I suffer. What's happening to me right now... is hell.

"Lord, pagalingin Niyo po ang kaibigan namin. Mahal na mahal po namin si Rai. Iligtas Niyo po siya. Ang dami niya pa pong pangarap. Ang dami pa naming pangarap na anim. Para Niyo nang awa. Pagalingin Niyo po siya."

Kaya siguro hindi Niya ako pinapakinggan, dahil makasalanan ako. Kaya siguro kinakalaban ako ng sarili ko. Kahit ipagdasal ako ng lahat, wala Siyang pakikinggan kahit na sino. Kaya siguro hindi Niya ako kinukuha, dahil hindi ako nararapat sa Kaniya.

"There's nothing wrong with you, love. That's who you are, and He accepts you. The Lord accepts everyone. You will lie in His heaven."

I opened my eyes when Rue's voice echoed in my head. Bumilis ang tibok ng puso ko.

For the past two years, wala na akong narinig sa kaniya. The last thing I heard, he left, and no one knew where he went.

Tumigil na siya sa pangungulit. Tingin ko, inakala niyang nasa Espanya na ako ngayon. Little did he know, I'm still here, extremely suffering and could barely breathe.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon