Kabanata 31

21.7K 631 453
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 31


Puspusan ang ginagawa naming pagpapraktis para sa nalalapit na annual cup ngayong buwan. Late na ako lagi umuwi, at kung hindi man si Eris at Sov ang kasabay ko pauwi, sinusundo naman ako ni Rue. Sabi ko kasi ay masusundo niya lang ako kapag wala ang dalawa.

Wala pa akong pinagsasabihan tungkol sa panliligaw niya sa akin. Hindi pa ako handa.

I still consider myself a lesbian. Despite I have feelings for Rue, hindi ko pa mapangalan ang gender identity ko ngayong biglang nagbago ang sexual orientation ko. I'm still figuring it out myself.

"Panalo Avalanche sa first game!"

It was a big news of the day. Avalanche defeated Gorgons. Nagbukas na ang Sports Annual Cup ngayong araw. Kami naman ay bukas pa ang laban. Chimera VS Wolves.

"Lakas ni Sy e," sabi ko dahil ang ganda ng nilaro niya sa laban kanina. "Habang tumatagal, pagaling nang pagaling."

Hindi na bumalik si Rue sa Cerberus. Si Theus naman ay ito na ang huling laban, graduate na siya at papasok na sa medical school. Mababawasan ulit ng Vallejo ang team. Malaking kawalan na si Rue sa kanila noon at magkakaroon ulit ng kawalan.

Rue:

Ingat sa laro. Nakabantay kami. Ikaw ang babantayan ko.

Rue was part of the medic team for the game. Present siya noong first game namin at naipanalo namin 'yon. He congratulated me personally along with my friends.

Malaking usap-usapan ang nagaganap na laro. We're also being watched on live television, as it's covered by the media every year.

Nagawa naming makaabot sa semi-finals. Sobrang dikdikan ng laban dahil Gorgons ang nakaharap namin! Ang Avalanche, nakaabante na sa finals!

"Avalanche ulit ang posible nating makalaban sa oras na matalo natin ang Gorgons sa semis. Team, umaasa akong maipapanalo natin 'to." Sabi ni Coach Del Mendo.

Hindi ako maka-reply kay Rue agad dahil naka-focus kami sa laro. May mga pagkakataon na sa gabi ko na lang nasasagot ang mga texts at chats niya at kung minsan, inaabot pa ng kinabukasan. Alam naman niyang nakasentro sa semi-finals ang atensyon ko ngayon.

"Kaa-announce lang ng dean kanina, posibleng mag-open tayo kung sakaling may gustong kumuha mula sa players natin para sa national basketball game. Pangarap ko talaga 'yon! Sana 'di magbago isip ng dean!" Patiling sabi ni Marg.

My eyes lit up at what I heard. "Seryoso, Marg?!"

"Mas seryoso pa sa gobyerno!"

It's my biggest dream until now. Sana pasok ang kredibilidad ko sa standards nila. I know that the athletes the committee selects are no joke, but I hope I have what it takes. Alam ko sa sarili kong may kakayahan ako at nagtitiwala ako sa sarili ko.

"Kapag ako napili, feeling ko yayaman ako agad," sabi ni Eris. "'Tsaka, hindi na sila luge! Sa galing kong 'to?! Buhatin ko pa buong Pilipinas!"

Nakatanaw ako sa mga bitwin, unan ang dalawang palad. Wala lang, napagtripan lang naming mag-stargazing na anim sa rooftop ng bahay. Ngayon na lang kasi ulit kami nagka-time sa isa't-isa sa sobrang busy namin.

"Tangina, Eris, nauuna talaga 'yang yabang mong lagi e noh? Bakit kaya sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo?"

"'Yan na naman si Floresmo na laging side comment. Papansin ka ba sa'kin? Crush mo 'ko noh?"

"Nanetong dalawa! Maglayo nga kayo! Rambulan na naman kayo! Masisiko na naman dede ko sa kalikutan niyo!"

"Feeling may dede ka naman, Sab."

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon