Kabanata 48

24.2K 608 477
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 48


I don't know if it's right or wrong. Hindi ko alam kung 'yon ba talaga ang totoong nararamdaman ko. But it doesn't feel wrong.

Rue's house is a two-story. Tama lang ang laki. The exterior is simple, but the inside is modernly classy.

"I live alone here," aniya kahit hindi ko naman tinanong. "The hospital I built is nearby."

"Wala kang maid?"

"No need for one."

He gestured for me to sit on the sofa. Umupo ako roon at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Do you want something to eat?" he asked approachably.

"No, thanks. I already had my dinner."

"Coffee?"

Tumango na lang ako. "Not too sweet."

"Okay. I'll be back."

Nang umalis siya, tsaka lang ako nakahinga nang maluwag. Mariin kong ipinikit ang hindi mapakaling isip.

Do I still really have feelings for him? O sadyang nalilito lang ako? Bakit bigla kong naramdaman ulit ang bagay na 'to? Hindi naman naibabalik ng pagpapatawad ang pag-ibig.

I roamed my sight around the house. Malinis at maaliwalas. The designs were just minimal and the ambiance feels so inviting. Parang ang daming makukuhang inspirasyon dito.

Masarap tumirang mag-isa. Is he happy being alone?

"Here's your coffee," Rue placed a cup of coffee on the table. "Are you cold?"

"Nope," sabi ko, hindi makatingin nang diretso sa kaniya. "Thank you."

"I'll just change my clothes. Saglit lang ako."

I nodded at him. Nilapit ko ang kape sa akin at hinalo. My throat felt dry. Gusto kong manghingi ng tubig pero nakakahiya naman. Habang wala pa si Rue, ako na lang ang pumunta sa kitchen at naghanap ng tubig.

Uminom ako ng maligamgam at bumalik ulit sa sala. I took a sip of my coffee. Napangiti ako dahil tamang-tama ang tantsa niya sa asukal na nilagay.

"Malakas pa ang ulan. Dito ka muna."

Rue came back. Bihis na siya ng puting t-shirt at shorts. He looked taller and bigger. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa edad niya. I admire how his body looks very fit and pressed. Every muscle is well-tightened and well-defined.

"I'll cook some food for us so you won't get hungry while waiting. Okay lang ba sa'yo magluluto muna ako?"

"Oo naman," I smiled a bit. "Dito lang ako. I'm fine here."

He wetted his lip and nodded. "You can turn on the TV. Sa kusina lang ako."

He went to the kitchen. Tanaw namin ang isa't-isa dahil hindi naman malayo ang kusina. He looked so tall and huge there.

Tumagal ang tingin ko roon sa kaniya nang may maalala. I blinked my eyes to stay away from the thoughts.

Nagbukas ako ng TV at naghanap ng mapapanood. It was already 9:10. I also texted Sab to ask if Adie is still awake.

Sab:

tulog na. may bukol siya sa noo huhuhu sorry hindi ko nabantayan nang maayos tumama sa pinto. pero ginamot ko na. anong oras ka makakauwi? medyo maulan dito ngayon

Ako:

mamaya-maya siguro. matutulog ka na ba?

Sab:

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon