Kabanata 16

20.3K 471 236
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 16


"Pakainin natin ng madami para 'di siya maingay mamaya,"

Nilagyan namin ng maraming kanin at gulay ang pagkainan ng baboy.

"Seryoso kayo? Baboy talaga ireregalo niyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sov.

"Oo nga! Mura lang namin 'to nabili! Mahal 'to kapag lumaki na, noh! Pwede rin nating i-lechon sa sunod na birthday niya!" ani Jam.

"What's your gift for him, Sov?"

"Wala. Pagmamahal lang."

Nilagyan na namin ng blue collar ang baboy. Si Eris na ang bahalang magpangalan kung anong trip niya. Dalawang linggo pa lang ang baboy at maliit pa talaga.

"Mas gwapo ka pa kay Eris e!" sabi ni Jam at binuhat ang baboy na bagong ligo at bihis. "Gwapo mo! I can't wait na maging tustado ka na soon!"

"Naaawa ako sa kaniya, Jam!" ngumuso si Lava. "What if let's not kill him? Let's tell Eris not to kill him. Kawawa naman e."

Humalakhak si Sov at inakbayan siya. "Ang dami mo nang nakain na baboy sa buhay mo, Lav. Paborito mo nga lechon belly, 'diba?"

"Well, because patay na 'yon kapag sini-serve! But look at this piglet we have! Ang cute-cute niya!"

Pinagtalunan pa ng dalawa kung dapat bang katayin o alagaan na lang.

Naligo ako at nagbihis na. Sa Commonwealth kami bumili ng buhay na baboy kaya nasa Fairview kami ngayon. Tanghali na. Mamayang alas singko ang simula at mauuna kami. There aren't too many guests. Kami-kami lang ulit kasama ang teammates nila. May nadagdag lang na dalawa.

White Adidas shirt, denim shorts, atsaka sneakers ang suot ko. Nagbabalak akong magpagupit ngayong pasukan dahil naiirita na ako sa buhok kong mahaba na. I'm still thinking about what kind of haircut to get.

"Adidas fan talaga! Yaman naman, lods!" Hinagis ni Sovan ang susi ng sasakyan niya sa akin. "Dahil naka-Adidas ka, tiwala ako sa'yong hindi mo ibabangga ang kotse ko."

Humalakhak ako. "Walang mangyayaring Eris version 2.0. Trust me."

Isa-isa kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Si Sov ang nasa shotgun seat, habang ang tatlo ay nasa likod na pinag-aagawan na ngayon kung sinong magbubuhat sa baboy.

Nag-bake ako ng cake para kay Eris at nag-bake rin si Mama ng cupcake ball para sa kaniya. Tita Celine and Ate Dexi are still cooking. Inagahan namin para makatulong kami sa pagluluto. Bunsong anak si Eris kaya spoiled siya ng handa tuwing birthday niya.

Dahil Linggo, mabilis lang ang biyahe. Dinaanan namin si Celeng sa Manila dahil isasama namin siya.

"Wow, Ate Rai! Marunong ka na po mag-drive?!" Tanong ni Celeng nang makita ako sa harap. Kinandong siya ni Lava.

"Yup," kumindat ako sa kaniya. "Road trip tayo minsan."

Humagikhik si Celeng. "Sure, Ate! Gusto ko 'yon! Pangarap namin ni Ate Jaa na magkasasakyan e!"

"Magkakaroon tayo ng sasakyan soon, mahal ko!" kinurot ni Jam ang pisngi niya. "Promise!"

Nag-usap-usap silang lahat sa likod. Hindi ako masiyadong sumasabay dahil nag-i-enjoy ako sa pagmamaneho. My driver's license is in the process. I passed the test and driving lessons in the help of Papa. He wants to buy me a car but I don't want one yet.

"Wow! Do you also have a gift for your Kuya Eris?"

"Opo, Ate Lav! Love letter! Dahil love na love niya 'ko! Gusto ko siyang maging Kuya!"

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon