Kabanata 6

23.2K 510 242
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 6


"Tablahan lang 'yan,"

Pinaikot ko ang bola sa dulo ng hintuturo habang pinapanood sina Sy. Dinayo kami ng mga Avalanche ngayong araw at pinalagan naman namin. Sport-sport lang.

"Practice na rin sa susunod na season," dagdag ni Eris at tumawa. "Malay mo kayo ulit magtagpo sa finals."

I smirked. "Tingin mo?"

"'Di rin imposible."

Biglang kinuha ni Margarette ang bolang nakapirming umiikot sa daliri ko at dinribble.

"Ayaw makipagpustahan ng Avalanche," umiling si Margarette. "Singkwe-singkwenta na nga lang pang-isaw at siomai e, ayaw."

"Hayaan mo na," sabi ko at nagbukas ng bubble gum. "Libre na lang kita siomai mo kapag nanalo tayo."

Puro mga manlalaro ang narito ngayon sa court para tunghayan ang laro namin. Mamayang hapon ang balik namin sa university. Tatlong oras kasi ang vacant time namin kaya tumambay muna kami rito sa Heights. Hindi na rin nagtagal, nagsimula na ang laban.

"Angas ng tira mo," ngisi sa akin ni Sy habang binabantayan ang tangan kong bola. "G ka ba one on one soon?"

"Wow," natawa ako. "G na g. Walang personalan."

Natawa si Sy. "Gago ka, Almendarez. Mukha ba akong manlalarong na 'di alam ang tao-tao? Chill, girl. We're both professional athletes here."

Ngumisi ako at mabilis siyang inikutan. Sinubukan niyang salubungin ang bolang ititira ko sa loob pero huli na siya. Nagtawanan kaming dalawa.

"Burn that hands, Almendarez!" Sabi ni Sy nang ma-shoot ko 'yon kaya malakas akong natawa.

Sa kalagitnaan ng paglalaro, biglang nahagip ng paningin ko ang lalaking nasa bench ng Avalanche.

Kay Sy seryosong nakatingin si Rue na ngayon ay nagsasagawa ng dalawang free throw. Tagaktak na ang pawis ko at gahol sa paghinga.

Nagkatinginan kami ni Rue na seryosong nanonood. I brushed my hair back. Tumingin ako sa tabi niya at nakita kong may katabi siyang babae roon. Nag-iwas ako ng tingin at sinuklay pa ang maikling buhok.

"Go, Zee!"

Napatingin ulit ako bench nila at nakita kong chini-cheer nang chini-cheer ng katabing babae ni Rue si Sy. I glanced at Rue and I noticed he was looking at me. I looked away.

"Bilis niyong makalamang!" Inapiran ako ni Eris at binigyan ako ng bukas ng Gatorade.

Pinunasan naman agad ni Jam ang mukha kong basang-basa na. Si Lava at Sovan lang ang wala sa amin ngayon. Ayaw sumama ng dalawa e.

"Nanta-trashtalk ba 'yung Lynzee Sy? Kanina ko pa kayo nakikita na nag-uusap e."

Umiling ako at ininuman ang Gatorade. Hinanap ko si Sy na ngayon ay umiinom din ng Gatorade sa kabilang bench.

"'Di naman. Kung ano-ano lang pinag-uusapan namin. 'Di naman hambog 'yang si Sy. Cool kami sa isa't-isa."

Malalaman ko naman agad kung inaangasan ako o hindi. Sy is professional and she doesn't look threatening me. Kung magyayabang man siya, hindi ako maiinis dahil totoong may ibubuga naman. Gusto ko lang ang mayayabang na may ipagyayabang naman.

"By the way, tumatawag si Ryhs kanina. Sinagot ko para sabihin na may laro ka ngayon," inabot sa akin ni Jam ang phone ko. "Miss ka na raw."

"Wait lang, lapitan ko lang si Rue." Nag-jog si Eris paalis.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon