Kabanata 19

20.4K 476 267
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 19


"We can hire him! Oh my god!"

"Tama na, Irene! Paubos na 'tong corn cheese ko!"

Tinakipan ko ang baunan at tinago sa likod ko. Irene Penelope groaned. Sarap na sarap siya at gusto niya nang ubusin ang corn cheese ni Rue!

"We need to get his recipe! Ask him! We can have it as part of the menu!"

"Naman, Ma! Normal lang naman na corn cheese 'to!"

"No! That tastes so special! Nakapagluto na kami ng Papa mo ng ganiyan but not ganiyan ka-yummy!"

I agreed, but I didn't voice it out.

"Ask him what are his procedures! Sigurado akong may iba siyang secret recipe!"

"Busy 'yon ngayon."

"Itatanong lang?!"

"Sige! Okay! Itatanong ko. Hihingiin ko recipe."

Umakyat ako sa taas para masolo na ang corn cheese. Gusto kong magdabog nang makitang kakapiranggot na lang pala ang tinira ni Mama. Nagtira pa! Parang 'di ako anak ah!

Nabitin ako pero ayos lang, meron pa naman akong makukuha bukas. Lupet nga ni Rue, siya pa naghatid kaninang tanghali. Pwede namang pina-deliver na lang.

Wala kaming ganap magkakaibigan ngayon kaya natulog lang ako buong maghapon sa bahay. Paggising ko, may isang chat galing kay Ryhs akong natanggap.

aryhsvlj: HIIIII! WE'LL GO FOR TOMORROW'S BOND! SEE YOU AT THE AIRPORT! <3

I took a screenshot of her message and forwarded it to our GC. Nag-ingay kami dahil doon. Sa Palawan ang lakwatsa namin bukas. Excited na 'ko!

Naka-book na si Ryhs para sa hotel at nag-ambagan kami para roon. Bawas na agad ang allowance ko ng first semester pero ayos lang. Kung magka-tres man, at least naka-Palawan.

"Rivalry!"

Napapitlag ako sa gulat nang kalabugin ni Mama ang pinto ng kuwarto ko. Natigil ako sa paggawa ng draft at bumaba sa kama.

"Dios mio ka, Irene," sabi ko nang buksan ang pinto. "Ano hong maipaglilingkod ko saiyo, mahal kong ina?"

"Did you ask Rue already? I need the recipe and procedure! Come on!"

Binulabog lang pala ako ngayong gabi para tanungin no'n.

"Hindi pa. Pero tatanungin ko ngayon. Offline pa e."

"Dapat kanina mo pa tinanong para nasagot niya na pag-online niya!"

Kinamot ko ang sentido ko at tumango. "Okay, Chef. Makukuha mo ang kasagutan sa pinabagong bukas."

Mama rolled her eyes at me. "Make sure! Because I like him! Gwapo, magdo-doktor, at masarap magluto!"

"You like him?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong. "Paano na si Harold mo niyan?"

"Tss! I like him for you!"

Sabi ko na e.

"Pero kung tuwid na babae ka lang, 'nak, ilalakad ko siya sa'yo agad! Bagay kayo!"

"Kaso mas bet ko kapatid no'n, Ma, e."

Umirap siya. "Whatever. Kapag hindi mo pa siya sinabihan, I'll talk to him tomorrow. Tutal, palagi namang kumakain sa Mantizmo ang batang 'yon."

Tumaas ang kilay ko. "Wow. Close kayo?"

She smirked. "He always orders the Bourbon Shrimp. And he always asks me about you. Close kayo?"

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon