Kabanata 8

21.3K 602 478
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 8


"Grabe. Ang yaman pala nina Feena," sabi ni Jam nang makapasok kami sa pagkalaki-laking bahay ni Feena.

Maraming decorations ang buong bahay. Natatanaw ko ang swimming pool na may mga lobo at water balls na nakalutang. Bukas na bukas ang malaking double doors ng bahay. Mansyon na nga kung tutuusin.

May mga lamesa sa labas at may mga pagkaing nakahanda. Nagliliwanag ang buong kabahayan.

"Hoy, Eris, 'wag kang magnanakaw, ah." Dinunggol ko si Eris.

"Raulo. Marinig ka nila, pucha. Baka isipin nilang magnanakaw talaga ako. Sa gwapo kong 'to?"

Nagtawanan kami habang inaanyayahan na ng isang tingin ko'y event staff. The staff welcomed us and greeted us cheerfully.

"Sana pwedeng magbalot ng pagkain." Saad ni Sabel.

I'm wearing a black silk fitted dress and heels. No choice e. May dress code kasi at kailangan nakasuot ng dress and it's either black or gold. May dala naman akong spare sneakers para may susuotin ako kapag masakit na ang sakong ko.

My girls are wearing black dress too. My boys are wearing black tuxedos. Ang gwapo nung dalawa. Kaya feel na feel ni Eris pagiging artista ngayon. Nagfe-feeling Tom Cruise na naman.

"Taragis, wala raw masiyadong pupunta pero ang daming bisita!" Si Jam na gulat.

Kahit ako nagulat. Ang daming tao! Hindi naman dagsaan tingnan dahil malaki ang hall ng mansyon pero doble-doble ang bilang sa kamay ng mga imbitado.

"Eris Vescovo and friends po," sabi ni Eris doon sa isang staff na nag-a-assist ng mga bisita.

"Dito po kayo, Sir. Naka-reserve na po ang table niyo."

Hawak ni Sabel ang kamay ko habang sinusundan namin ang staff sa table na para sa amin. Some visitors are looking at us. Hindi na lang ako tumitingin sa kanila. Kinuha na rin ang dala naming regalo para ilagay doon sa long table na puro gifts ang nakapila't patong-patong.

Umupo kaming anim sa may pabilog na mesa. Iniwan kami ng baklang staff. May mga nakaupo na rin sa ibang mga tables. Maya-maya, naghatid ng drinks ang isang nakaunipormeng lalaki na siguro ay waiter ng event.

"May yelo ba kayo rito, boss?" Tanong ko sa waiter dahil natitigang ako sa malamig na malamig na tubig.

Medyo nagulat pa ang lalaki sa tinawag ko sa kaniya.

"Meron, Ma'am. Kukuha lang po ako."

Tumango ako.

"Parang debut na 'tong handaan," sabi ni Sabel. "Paano pa kaya kung mag-eighteen si Feena? Kabog ang akla!"

"Spoiled 'yan 'pag ganiyan." Sabi ni Eris.

"Kaya mag-ipon ka na," asar ko. "Para sa future niyo."

"You'll marry a spoiled baby, Eris." Lava teased.

"Kilabutan kayo. Hindi ako pumapatol sa bata. Baka pagkamalan pa akong groomer," iling ni Eris at uminom sa cocktail. "We're just friends."

"Hihintayin mo lang naman! Two years na lang oh," sabat pa ni Jam. "Ligawin 'yang mga ganiyan. Tapos ikaw pa ang crush?"

"No to minor," iling ulit ni Eris. "No to spokening dollars and no to conyo. Dudugo ang ilong ko."

"Bakit ayaw mo sa englishera?" I raised a brow at him.

"I tolded you already. I do not my nose produce blood."

Nagtawanan kami sa sinabi niya. Habang hindi pa nag-uumpisa ang event, nagkwentuhan muna kaming anim.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon