Kabanata 4

25.6K 541 135
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 4


"Nasa Shaw Boulevard pa lang daw si Eris."

"Wala akong pake kahit nasa Jupiter pa siya."

Tumawa si Sovan sa sinabi ko. Patapos na kami maghiwa ng ingredients, hanggang ngayon puro OTW pa lang si Eris. Kaya ang pangit niya talaga ka-group e, hindi punctual!

"Rai, tingnan mo kung malambot na ba 'yung beef." Suyo sa akin ni Sabel.

Sumabog ang fume sa loob ng kaldero nang buksan ko ang takip ng pinapakuluang baka. Kumuha ako ng tinidor at tinusok ang laman.

"Konti pa." Sabi ko at nilagay muli ang takip.

"Ano bang una nating lulutuin? Puchero o 'yung Beef Skillet muna?" Pagtatanong ni Jam na naghihiwa ng green peppers.

Kalat kaming lahat sa buong lamesa at busy sa kaniya-kaniyang tasks.

"Ewan ko kay Rai, siya leader," sagot ni Sov sa tabi ko na siyang abala sa pag-measure ng gagamiting oil.

"Let's go for Puchero first. Masiyadong matrabaho skillet e." Sabi ko habang naghihiwa ng carrot at luya.

"Candid kunwari, guys!" Utos ni Lava na siyang kumukuha ng pictures para sa document ng cooking video project na 'to.

Para kaming tanga na nagtawanan kunwari para sa picture. Tuluyan na lang kaming natawa sa huli sa ka-OA-han tumawa ni Sovan.

"Hey, guys! Wazzup!" Biglang lumitaw si Eris na nag-aayos pa ng culinary uniform nang pumasok sa pintuan ng bahay namin.

Nang makita niya ang masama kong tingin ay nagputla-putlaan siya.

"Ano pang ginagawa mo rito? Tanggal ka na, ah?" I scoffed. "Sayang effort mo, uwi ka na ulit."

Nagtawanan sila maliban kay Eris na nakanguso. Pagkalapit niya ay inagaw niya agad ang kutsilyong hawak ko.

"Ako na po nito, Madam. Upo ka na po." Matamis siyang ngumiti.

Binatukan ko siya. "Bobo ka talaga. Alas diez ang usapan, dumating ka alas dose na!"

Hinawakan niya ang kamay ko at tumawa.

"Galit na leader." Gatong ni Lava habang tumatawa.

Pinahiwa ko na lang sa kaniya ang hinango kong beef. It should be ground beef but since the professor wanted the dish kind of unique, kami na lang ang maghihiwa ng maliliit.

We prepared the other ingredients. Itong si Jam at Sabel nagmumurahan pa dahil magkaiba sila ng hiwa ng peppers. Si Sov panay tawa lang, tuwang-tuwa talaga kapag may nag-aaway parang tanga lang.

Matapos naming mahanda ang mga ingredients, sinuot ko na ang uniform ko. Kulay sky blue ang uniform naming mga culinary students. Ganoon din ang kulay ng toque hat.

"Hi, this is Group five! Today, we're going to cook-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang bigla akong matawa. "Parang gago, Jam! Naririnig ko tawa mo!"

Rinig na rinig ko sa tabi ko ang pinipigilang tawa niya.

"Wait lang! Ubusin ko lang tawa ko!"

Sinakal siya ni Eris. Kukurot-kurot ng hilaw na carrot si Sabel kaya hinampas ko ang kamay niya.

"Game! Nangangawit na 'ko shuta kayong lahat!" Reklamo ng nagsisilbing videographer na si Lava. Mula kanina pa talaga siya ro'n. "Seryoso na, guys, so we can finish agad-agad!"

I cleared my throat. Tahimik na kaming lahat. Huminga ako nang malalim pero mas nakakatawa 'pag seryoso kami. I bit the inside of my cheek before pressing a smile.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon