Kabanata 38

18.5K 425 360
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 38


Imposible.

Mas lalo pa akong nanghina. Papa held me. May sinabi ang doktor pero wala akong maintindihan. He left while checking the side of his lips, along with the nurses. Hanggang kaming apat na lang ang natira.

My tears stopped flowing. Naging malinaw sa akin si Rue, na ngayon ay nasa harap ko na, bagsak ang mga balikat.

Hindi ako naniniwala.

"Saan ka galing?" I asked, trembling.

"Rue, you can go-"

Rue shook his head at my father. Mariin akong napapikit dahil hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang nangyayari ngayon.

No, my mother isn't gone. She's still alive.

"Let me, Tito Harold," Rue said with a trembling voice too.

Nawala ang presensiya ni Papa sa tabi ko at naramdaman kong nilapitan si Mama. I clenched my fist while looking into my man's eyes.

"S-Sabihin mong hindi totoo ang sinabi ng doktor kanina," sabi ko. "Sabihin mo sa'king wala kang kinalaman."

He bowed his head. "I-I'm sorry, love..."

The beating of my heart stopped. Umawang ang bibig ko.

"Sorry? Bakit ka nagso-sorry? Magsabi ka ng totoo! Hindi ikaw ang doktor na nagbigay ng gamot sa Mama ko! Aminin mo dahil palagi naman akong naniniwala sa'yo, Rue! 'Wag kang magsinungaling dahil hindi tayo gano'n sa isa't-isa!"

Tears fell from his swollen eyes. He looked guilty. Para akong binanlian ng nagbabagang yelo. I couldn't believe this.

"So... it's you? You were the one who gave the medicine? Mali ang gamot na naibigay mo kay Mama? Rue, 'yung totoo? I-Ikaw ba?" nanginginig at halos pabulong kong tanong.

He closed his eyes firmly. "Y-Yes..."

Isang beses akong napahakbang, paulit-ulit na umiling. I stared blankly at the clean nameplate of his uniform.

I don't believe him!

Like his clean uniform, I know he works cleanly too! Clean, just like my trust in him because I knew he would be a good physician! As spotless as my vision I hold of him becoming the man he desires to be!

He won't make errors. He always makes sure everything is where it should be. I look up to him because I'm always proud of him. Invariably. He knows how much pride I have in him.

"Imposibleng magkamali ka, Rue," iling ko. "H-Hindi ako naniniwala sa'yo."

"Rai, I didn't mean it. Forgive me..." umamba siyang kukunin ang kamay ko, pero bago niya pa ako maabot, bumagsak na ako sa sahig.

I covered my face and cried loudly and painfully. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Rue held me close and embraced me. Umiiyak na rin siya.

"Imposibleng magkamali ka! Imposibleng magkamali ka, Rue! Hindi ka magkakamali! And it's my mother and you wouldn't make mistakes with her! We trust you, and you wouldn't fail!"

He's hugging me desperately. Hinang-hina, pinagsasapak ko ang dibdib niya nang paulit-ulit. Sinalo niya lahat ng malalakas kong suntok. Fatigue stopped me from punching harder, but I continued weakily.

"Putangina, Rue, nanay ko 'yon!"

"Forgive me, Rai," he sobbed breathlessly. "Forgive me. Forgive me."

"Tinitingala ka naming lahat, pero bakit nagawa mong magkamali?! Tinitingala kita, Rue! Sobrang tiwala ako sa'yo! Pero bakit—putangina! Putangina, Rue! Ang gago-gago mo naman para magkamali! Ang gago-gago mo!"

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon